SKYE Gaya ng pangako ni One, ipinasyal niya 'ko sa kanilang rest house. Una kaming naglakad sa tabing-dagat. Nang magsawa ang mga paa namin kakatampisaw sa asul na dagat, muli kaming naglakad. "Wow!" bulalas ko nang tumambad sa 'kin ang magandang tanawin mula sa kinatatayuan ko. Kitang-kita ang ilang lugar na nasa ilalim nitong mataas na burol. Matatanaw rin ang asul na dagat. Sulit ang halos isang oras na paglalakad namin papunta dito sa tuktok ng burol. Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko. Pagmulat ko, agad natutok ang mga mata ko sa isang matandang puno sa bandang ibaba ng burol. It was the same tree where I saw Uno more than three years ago - when I first thought it was One. May isang malaking puno rin dito sa burol. Napukaw ang atensiyon ko sa naka