SKYE Lumipas ang mga araw na hindi ko na masyadong inintindi pa ang mga sinabi ni Emily. Hindi na rin madalas magtungo ng hospital si Uno. Kapag kasi nagtatanong ako kung kailangan ba talagang naroon pa siya o 'di kaya ay sinasabi kong dito na lang siya sa tabi ko, ngingiti siya sa 'kin at sasabihing, "Okay. Susundin ko kung ano man ang gusto mo. Dito lang ako sa tabi mo." Kahit papa'no, natakot ako sa mga sinabi ni Emily. Kaya naman kahit pagiging selfish ang ginagawa ko, may karapatan naman siguro akong ipagdamot si Uno, 'di ba? Emily kept on bugging me, texting and asking me a favor to let go of Uno for her cousin. Of course, I ignored her and didn't pay attention. And seriously, she was getting into my nerves. Gaya ngayon, nag-text na naman ito kaya hindi na rin ako nakatiis na hin