ONE Hindi pa man sumisikat ang araw ay nandito na ako sa labas ng bahay ng mga Montenegro. Simula nang ma-realize ko ang totoong nararamdaman ko para kay Skye, hindi ko na magawang tumingin sa mga mata niya gaya nang dati. 'Yung diretso at walang malisya. May kung ano ring malakas na puwersa ang palaging nagtutulak sa 'kin para lapitan at puntahan siya. I'm avoiding her for a week now. Hindi ko man gustong gawin, pero kailangan. I'm doing it for her sake. And for my own sake, too. Ngayong alam ko nang higit pa sa isang kaibigan ang nararamdaman ko sa kanya, hindi ko alam kung kaya ko pang maitago ang nararamdaman ko oras na magkaharap at magkalapit kami. Wala akong tiwala sa sarili ko kung ganito ang estado ng nararamdaman ko ngayon. Kaya hangga't kaya ko, umiiwas ako. My feelings for