CHAPTER 4:
ABALA LANG DAPAT AKO SA PAMIMILI rito sa loob ng grocery pero dahil may kasamang pakikipag-chat kay ZDA24 o Vi, naging matagal ang pamimili ko.
ZDA24:
Is it your first time in this dating website?
Ailith26:
Oo, kaya medyo nangangapa pa ako. Ikaw ba?
ZDA24:
Yes, pero may iba akong nakachat before. About five girls then I stopped because they are boring.
Ailith26:
Hindi mo first time, ang dami mo na palang nakausap e!
ZDA24:
But it was just a week ago.
Ailith26:
Grabe ka naman! Ang bilis mong magpalit, baka mabilis mo lang din akong palitan!
Itinigil ko na muna ang pagcha-chat sa kaniya roon. Sinabi ko naman sa kaniya kanina na maggo-grocery ako kaya maiintindihan niya naman siguro.
Idiniretso ko na sa cashier ang mga binili ko. Tulak-tulak ang malaking cart, saka ko lang naisip kung paano ko nga pala ito dadalhin sa bahay nila Nora gayong ang dami ng binili ko?
Bahala na!
Mataps kong magbayad sa cashier, since okay lang namang gamitin ang cart hanggang sa labas ng grocery, ginamit ko na muna. Nagtawag pa ako ng tricycle pagkatapos ay inilagay ko roon ang lahat ng pinamili ko. Nang sa wakas ay ayos na, muli kong binalikan ang phone ko.
ZDA24:
Pwede, pero depende. Nakadepende sa kung gaano ka kagaling.
And he sent a grin emoticon! Anong gaano ako kagaling? Saan! Ako lang ba ang na-green minded sa sinabi niya?
Ailith26:
Gaano kagaling saan?
ZDA24:
Kagaling sa pakikipag-usap! Is that the reason why you took long to reply? Did your mind turn green?
Ailith26:
Hoy hindi ah! Nagbayad kasi ako sa cashier ng mga pinamili ko. Ikaw yata ang green e!
ZDA24:
I'm not, you are just thinking other things. Just admit it!
Ailith26:
Ikaw nga itong hindi in-admit na iba ang ibig mong ipahiwatig e! At saka, bakit ka ba english nang english? Akala ko ba Pinoy ka?
ZDA24:
Yep, I'm Pinoy! Ganito lang talaga ako. Anyway, what if I admit that there's a green meaning to it?
Ailith26:
Ayos lang, ikaw naman ang nag-iisip hindi ako.
"Miss! Ano na saan ba ang punta mo?!"
Nabigla ako nang sumigaw si manong. Nakatingin siya sa akin, nakayuko mula roon sa labas.
"Ay, sorry po manong! Sa Manggahan St. lang po!"
Napailing ang driver at saka sumakay sa motorsiklo niya. Narinig ko pa ang pabulong na sinabi niya.
"Kanina pa ako tanong nang tanong, pangiti-ngiti ka lang r'yan kate-text!" masungit na tugon niya.
Nakagat ko ang labi ko at ibinalik ang tingin sa phone ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil pinagalitan ako ni manong.
ZDA24:
Ilang taon ka na ba? I guess you're adult naman na. Bawal ang 18 below rito sa website.
Ailith26:
26 years old na ako. Nakakahiya man, ilang taon na lang magte-trenta na ako.
ZDA24:
I like that you're older than me. I guess you're more experienced than me. I'm 24 anyway.
Ailith26:
Anong experienced ang sinasabi mo r'yan? Virgin pa ako!
Nang mai-send ko ang huling sinabi ko. Natulala na lang ako at nahiya sa kung ano man ang ini-reply ko sa kaniya. Mabilisang pinatay ko ang data connection at saka isinuksok sa bulsa ko ang phone. Bakit ko nga ba naisip sabihin 'yon sa kaniya?! Nakakahiya! Baka kung ano pa ang isipin no'n!
Nang makarating sa tapat ng bahay nila Nora, nagbayad ako sa driver at isa-isa kong ibinaba ang mga pinamili ko. Sapilitan kong binitbit ang lahat kahit na ang bigat at ang rami kasi nakakatakot kaya! Baka mamaya 'pag iniwan ko lang ito sa labas, may kumuha.
Nang makarating sa tapat ng pinto ng room 405 kung saan ang apartment ni Nora. Doon ko lang inilapag ang lahat at kinatok nang malakas ang pinto ni Nora.
"Nora!" sigaw ko.
Ang tagal niya pang buksan, at nang buksan niya, nakabusangot.
"Ano ba 'yon—" Bumaba ang tingin niya sa mga pinamili ko at nanlaki ang mga mata. "Bakit ang dami? Pang-isang buwan na ba 'yan?!"
"Oo! Para hindi na tayo lumabas ng bahay, forever na tayo sa loob!" sagot ko. Hinihingal pa ako mula sa pag-akyat sa hagdan.
"Tinawagan mo sana ako para natulungan kita kanina, lokaret ka talaga." Iiling-iling niyang dinampot ang ilan sa mga plastic bag at ipinasok sa loob.
Habang ang mga natira ay kinuha ko na at tuluyang pumasok sa loob ng apartment. Nang makaupo sa maliit na sofa niya, saka ko lang naisip kung ano ang ini-reply ko kay ZDA24. Diyos ko naman, ano bang nasa isip ko kanina?
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko dinukot ang phone ko sa aking bulsa.
"Mamaya na natin ayusin ang mga pinamili mo ha, tatapusin ko lang ang ginagawa ko," paalam ni Nora.
"O sige at nakakapagod! Magpapahinga na muna ako."
Nang bumalik na siya sa kwarto niya, at saka ko pa lang nai-check kung ano ang ni-reply niya sa akin.
ZDA24:
Sounds interesting. Akala ko may matututunan ako sa 'yo. Anyway, bakit?
Tumaas ang kilay ko sa tanong niyang 'yon. Anong bakit ang sinasabi nito? Bakit ano? Bakit virgin pa ako?
Ailith26:
May sagot ba sa tanong na 'yan? S'yempre kasi hindi pa ako kasal!
ZDA24:
Hindi na uso ngayon ang kasal muna bago 'yon. Ah, baka you'll eventually stopped chatting to me because you're conservative?
Ailith26:
Bakit mo naman naisip na conservative ako por que hindi ko pa nagagawa 'yon?
ZDA24:
E bakit nga? 'Wag mong sabihing no boyfriend since birth ka rin?
Ailith26:
Hindi ah! Nagkaroon naman ako ng boyfriend noon. Sadyang ayaw ko pa talaga. At saka, bakit ba napunta rito ang usapan natin?
ZDA24:
Sorry, hindi ko rin alam kung paano napunta rito. I was saying that it depends at how good you are on talking. We just went deeper, lol!
Ailith26:
Okay lang naman, as long as hindi ka bastos. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong mga lalaking bastos.
ZDA24:
Bastos pero maginoo? Is it okay with you?
Ailith26:
Ayos lang, ganyan ang ex-boyfriend ko noon.
ZDA24:
Bakit kayo naghiwalay? Dahil ba ayaw mo?
Ailith26:
Paano mo nalaman?
ZDA24:
Just a guess. A lot of guy wants the same thing, s*x. But it's not necessary for me, don't worry. If I become your boyfriend, I won't force you to do that with me.
Ailith26:
Wow, sana all! Boyfriend kaagad?
ZDA24:
Example lang naman. It's okay if we don't end up with each other. Bakit nga pala pumasok ka sa dating website na 'to?
Rereply-an ko na sana siya pero nabigla ako nang may humawak sa magkabilang balikat ko.
"Ano 'yan? Busy masyado e?" kuryosong tanong niya.
Mabilisang itinago ko ang phone ko mula sa kaniya, usyosera talaga!
"Wala! Ka-chat ko 'yong kaninang sinabi ko sa 'yo," sagot ko.
"Ang bilis ah, parang nag-e-enjoy ka yata?"
Nagkibit-balikat ako. "Ikaw ang nag-suggest nito hoy!"
Bahagya siyang natawa at saka lumayo na sa akin.
"Tapos na ako sa ginagawa ko, tara na't ayusin ang mga pinamili mo."
Tumango ako at isinuksok ang phone ko sa aking bulsa. Dumiretso na siya sa kusina at sumunod rin ako sa kaniya. Although maliit lang ang apartment ni Nora, kasya naman ang dalawang tao rito at maganda ang lugar.
"Nga pala, nagtext sa akin ang ex-boyfriend mong si Lino."
"O? Ano raw?"
Inumpisahan kong alisin sa plastic bag ang mga pinamili kong de lata at noodles, maging ang kape, creamer at asukal.
"Nakita yata ang performance ng webtoon ko, gustong makipag-collab!" Natatawang aniya. "Gago talaga 'yan ex mo, e. Noong ako ang may gustong makipag-collab sa kaniya dahil ang galing niyang artist, ayaw niya. Ang dami niya pang dahilan sa akin. Tapos ngayon biglang sasabihin niya na gusto niyang makipag-collab?"
Natawa na rin ako. "E ano sabi mo?"
Tumawa siya at saka pumameywang. "Sabi ko, hala! Asa ka?"
Nagtawanan kaming dalawa sa kagagahan niya. Mayabang na talaga ang ex-boyfriend ko na 'yon. Siya iyong ex-boyfriend ko bago iyong huli kong ex. Artist din siya at nagkakasundo kami noon lalo na sa mga ideas tungkol sa webtoon. Pero noong umangat-angat siya nang dahil sa pagsusulat ng fantasy-erotica na webtoon, yumabang at lumaki ang ulo! At iyon ang dahilan kung bakit kami naghiwalay.
"Ang gusto niya pa kamong theme, zombie na makikipag-s*x sa tao? Siraulo!" bulalas niya.
"May pagka-abnormal talaga 'yang utak ni Lino. Hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto ro'n!" Iiling-iling na sagot ko.
Nagtawanan pa kami habang inaayos ang mga pinamili ko sa refrigerator niya at sa storage box niya. Halos hindi nga magkasya, kaya 'yong ibang pwede namang hindi sa ref ilagay, hinayaan na lang namin sa plastic.
"Kape tayo?" alok niya.
Kahit ang init. "Sige!"
Favorite namin ang kape kaya walang makapipigil kahit ang init ng panahon. Siya naman ngayon ang nagtimpla, pagkatapos ay inabot sa akin ang mug. Bumalik na rin siya sa kwarto para umpisahan ulit 'yong susunod na episode raw ng webtoon niya.
Habang ako ay sinubukang tawagan si Aris. Saglit lang ay sumagot din siya.
"Hello ate? Kumusta ka?" kaagad na tanong niya.
"Ayos lang naman ako rito, kayo r'yan? Nag-aalala ako, may budget pa naman d'yan sa 'yo, 'di ba?"
Hindi kaagad siya nakasagot. "Sorry ate, ibinigay ko kay kuya Josef. Nawalan kasi ng gatas si Jenjen, hindi ko matiis kanina iyak nang iyak."
Marahas na napabuntonghininga ako. "Wala na namang madelihensiya 'yang si Josef? Nag-a-anak pero hindi kayang magpagatas sa anak. Sa susunod huwag mo nang bibigyan dahil masasanay 'yan," sagot ko.
"O-opo ate. Pasensya ka na kung pinag-aalala kita. Ayos naman kami rito, si kuya Josef lang naman ang nakakabwiset," natatawang aniya pa.
"S-si tatay?"
"Wala, galit pa rin sa 'yo."
Nasaktan ako sa narinig. Ganoon yata talaga kasama ang nasabi ko kay tatay para sumama ang loob niya. Hindi ko naman sinasadyang masabi ang mga salitang 'yon sa kaniya. Ayaw kong manumbat, pero npuno lang talaga ako.
Matapos kong tawagan si Aris. Binuksan ko ang wifi connection sa router ng wifi ni Nora. Isa pa sa pinoproblema ko, nakakontrata ng tatlong taon ang wifi ko roon sa bahay at siguradong magbabayad pa rin ako kahit na wala na ko roon. Bahala na. . .
Sunod-sunod na nag-pop up ang messages ni ZDA24. Nabigla pa ako nang dahil sa dami! Wala pang dalawang oras mula no'ng hindi ko siya reply-an, mukhang wala nga talagang magawa ang taong 'to!
ZDA24:
Bakit hindi ka na nagreply? May nasabi ba akong hindi maganda?
ZDA24:
Sabi ko na nga ba, you'll just dump me because you are conservative.
ZDA24:
I'm bored. I can't find another woman like you. Ang boring makipag-usap ng ibang babae. 'Yong iba naman, ang lalandi!
Bahagya akong natawa sa mga chats niya sa akin. Mas marami pa siyang chats pero ang binasa ko lang ay 'yong pinaka-latest. Kaagad akong nagtipa ng reply sa kaniya.
Ailith26:
May ginawa lang ako saglit, grabe ka naman. Namiss mo kaagad ako? Bakit ayaw mo sa babaeng malandi?
At mabilis nga talaga siyang nakapag-reply.
ZDA24:
Ayaw ko sa iba, gusto ko ikaw. Yiieee!
Ailith26:
Ikaw yata ang malandi e, hindi 'yong ibang babae.
ZDA24:
Seriously, I don't like those woman who flirts right away. Ang gusto ko lang naman ay makipag-usap dahil boring. I don't want to flirt since I'm easy to attached. Baka mamaya bigla akong mag-init!
Ailith26:
So, ang gusto mo palang kausap ay 'yong seryoso? Ano bang seryosong gusto mong pag-usapan? At anong biglang mag-init?
ZDA24:
Yep, I want us to talk about life not s*x. At least I want to rant. Inosente ka lang ba talaga o sadyang nag-iinit ka na?
Ailith26:
Anong gusto mong i-rant, pwede naman. Sanay na ako sa mga rants ng mga taong nasa paligid ko. Ano bang nag-iinit ang pinupunto mo?
ZDA24:
Nag-iinit na ang ulo ko! Do you still can't understand me?
Ailith26:
Charot lang! S'yempre naiintindihan kita, hindi naman ako gano'n kawalang alam.
ZDA24:
Good, I know you are just kidding me. Anong ginagawa mo?
Ailith26:
Nakaupo, ka-chat ka. Ikaw?
Hindi siya kaagad sumagot. Kaya tumayo ako sa kinauupuan kong sofa at dumiretso sa kwarto ni Nora. Nakita kong nagdo-drawing siya ng zombie habang kinakain ang utak ng babaeng bihag niya.
"Kadiri naman 'yan!" bulalas ko.
Bahagya siyang natawa. "Buti nga hindi 'yong suggestion ng ex mo about human and zombie s*x ang ginagawa ko rito e!"
Mabilis na tinakpan ko ang tenga ko. "Bakit ba puro s*x na lang ang topic ngayon?!"