Hindi ako mapakali at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog sa sobrang kakaisip kay Blake. Anong oras na rin kasi, alas kwatro na ng madaling araw pero hindi pa rin siya umuuwi. Sobra na nga ang pag-aalala ko. Kanina ko pa tinatawagan at tine-text si Blake pero hindi naman siya nag-rereply sa akin, hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko sa kaniya. Naka-ilang missed calls na rin ako sa sekretarya ni Blake para magtanong kung may alam ba ito sa kinaroroonan ng asawa ko. Napahawak ako sa aking ulo at saka muling tinawagan si Blake ngunit out of reach na ang cellphone niya. Nasaan na kaya ang asawa ko? Kanina pa ako nag-aalala sa kaniya. Muli akong sumubok na tawagan ang sekretarya ni Blake. Sana naman ay gising na ang sekretarya ng asawa ko para naman malaman ko kung nasaan na