Hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak. Pakiramdam ko parang binibiyak ang puso ko at pinagpipira-piraso. Sobrang hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay biglang mawawala ang mga magulang ko. Pangatlong araw na nang burol nila Mama at Papa ngayon. Ang hirap! Sobrang hirap talaga. Hindi ko inaakalang sa puntong ito ay makikita ko sila Mama at Papa na nakahimlay na. "Cassandra, kumain ka muna." Hindi ko namalayan na nasa tabi ko pala si Blake. Ibinaling ko ang aking paningin sa kanya. "Hindi ka na naman kumain kanina." Marahan akong napapikit at muling pinunasan ang luha ko. "W—Wala akong gana." He sighed, pakiramdam ko ay nagtitimpi lamang si Blake sa akin. Ilang araw na rin kasing hindi nakakapasok sa opisina si Blake dahil sa akin. Ang sabi ko sa kanya noong una pa lang na okay