Chapter 1

841 Words
Maaga akong nagising dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos kagabi. Napakasakit kasi ng katawan 'ko, lalo na sa may bandang ibaba ng katawan ko; Hindi kasi ako tinigilan ni Blake kagabi hangga't hindi siya napapagod. Napabaling ang aking tingin sa may bandang kanan ko. Katabi ko kasi siya matulog. Bahagya akong napangiti nang mabungaran 'ko ang mukha niya. Napaka-amo ng mukha niya, na para bang ayaw nang lubayan ng mata ko ang pagtingin 'ko sa kanya. Muli 'ko na namang naalala ang nakaraan namin ni Blake. "Gising ka na po, baby 'ko." Naalimpungatan ako nang marinig ko ang poging boses ng boyfriend ko. Dito na naman kasi siya natulog sa bahay namin. "Maaga pa naman eh," Sabi 'ko at saka tinakpan ng unan ang mukha 'ko, pero mayamaya lamang ay naramdaman 'ko na ang kamay ni Blake sa may bandang tagiliran 'ko. "B-Blake, nakikiliti ako." Tumatawang sabi ko sa kanya habang pilit siyang pinipigilan. "Ano, inaantok ka pa 'rin ba?" Natatawang tanong niya bago ako sa pisngi. Umiling ako at saka tumayo na, "Ang bad breath mo!" Sabi ko sa kanya nanang makatayo na, pero sa katunayan ay hindi naman talaga mabaho ang hininga niya. Gusto ko lang naman na makita ko siyang naaasar. Ang cute kasi, "Ako?!" Turo niya sa sarili niya. Tuluyan na akong napatawa, "Eh, panay nga ang halik mo sa akin! Tapos biglang bad breath?" Kinurot ko naman ang pisngi niya, "Joke lang, baby ko." Napangiti naman siya at nagulat ako nang bigla niya akong halikan. "WHY are you smiling?" Tila nagising ang diwa ko nang marinig ko ang sinabi niya. Nagising na pala siya, at napansin pa niya ang pagngiti ko. Tumayo na siya mula sa pagkakahiga at sa dumiretso sa banyo upang maligo. Ngayon kasi ay araw ng lunes kaya may pasok sa opisina ang asawa ko. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at saka nagtungo sa kusina upang ipaghanda siya ng almusal niya, Pritong itlog lang ang niluto 'ko at sinamahan ko pa ng hotdog. Wala pang kinse minuto ay natapos na ako, at hindi 'rin nagtagal dahil lumabas na siya mula sa kwarto naming dalawa na nakasuot na nang pang-office attire niya. "Pinaghanda kita ng almusal mo, Kumain ka muna at--" Hindi 'ko na natapos pa ang sinasabi ko dahil mabilis 'rin naman siyang nagsalita, "Sa office ako kakain." Seryosong sabi niya at saka dumiretso na palabas ng bahay. Napabuntong hininga na lamang ako habang sinusulyapan siya na naglalakad palabas ng bahay. Mayamaya'y narinig ko ang tunog ng sasakyan; hudyat na paalis na nga siya sa bahay namin. Muli akong napahinga ng malalim at napatingin sa kawalan. Ito na naman kasi ako, nag-iisa. Wala na namang kasama. Sa sobrang pagka-inip ko ay nagpasya na lang ako na maglinis ng bahay, pero nang matapos ako ay napagdesisyunan ko na bumili na lamang ng ingredients para sa uulamin namin ni Blake mamaya. Hindi kasi ako nakapamili noong isang araw. Agad naman akong naligo at nagpalit nang maayos na damit. Malapit lang naman ang supermarket dito sa may village namin kaya hindi na ako nagdala pa ng sasakyan patungo doon. Naglalakad ako sa tabi nang daan nang makita ko ang kaibigan ko na si Verna. Kapitbahay namin siya at kaklase ko rin siya noong ako ay nasa high school pa. "Cass! Birthday kahapon ni Helion, pupuntahan sana kita sa inyo kaso sarado na ang bahay n'yo, naisip ko na baka tulog ka na.." Sabi niya habang hawak-hawak ang kadena ng aso niya. "Hindi kasi ako pinayagan ng asawa ko na umalis kagabi." "Bakit? Eh lagi ka nalang kaya na nasa bahay nyo! Mabuti nga at hindi ka nabubulok sa house nyo eh, kaloka kaya!" Bahagya na lamang ako napatawa at saglit na napa-iling. "Mauuna na muna ako sa'yo, Verna. May bibilhin pa kasi ako," Paalam ko sa kanya. Tumango naman siya at kinalong ang aso niya. Nang makarating ako sa supermarket ay agad akong naghagilap nang mga kakailanganin ko. Mabilis rin naman akong natapos dahil hindi naman ganoong karami ang bibilhin ko. Naglalakad na ako patungo sa bahay at habang papalapit ako sa amin ay napansin ko na agad ang sasakyan ni Blake sa loob na naka-park na. Napakibit-balikat naman ako at saka napalunok, wala pa yatang alas onse ng umaga pero naka-uwi na siya. Kadalasan kasi ay umuuwi siya kapag mag-ga-gabi na. Hindi ko nabungaran ang asawa ko, pagkapasok ko ng bahay, kaya nagpasya akong silipin siya sa kwarto para masigurado ko na naroon siya, baka kasi kaya umuwi siya hg ganitong kaaga ay may naiwanan lang siyang importanteng bagay na kakailanganin niya sa opisina niya. "Ahh- Shit, babe. You're so wet." Unti-unting napakunot ang noo ko sa aking narinig. Nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto naming dalawa ni Blake nang muli akong makarinig ng ingay. "Y-Yeah, faster babe please. Uhhh." Nanginginig ang aking kamay nang hawakan ko ang seradura ng pinto. Nang buksan ko 'yon ay tumambad sa akin ang hubad na katawan ng asawa ko at pati na rin ng babaeng hindi ko naman kakilala. "Uhh- shit, I-I'm near, baby.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD