Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang maramdaman ko ang paggalaw ni Blake sa tabi ko. Umaga na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Walang ibang pumapasok sa isipan ko kung hindi ang nakita ko. Pilit kong ipinikit ang mata ko at saka pinigilan ang impit na pag-iyak. "Gising ka na?" Umalon ang kabang nararamdaman ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. Hindi ako sumagot at nagkunwari na lamang na tulog, sa huli ay tumayo na rin siya at saka dumiretso sa banyo narinig ko kasi ang ingay ng shower. Hanggang ngayon ay naaamoy ko pa rin ang pabangong kumapit sa damit ni Blake. Alam kong hindi sa kanya 'yon at mas lalong hindi naman sa akin dahil wala naman akong ganoong klase ng pabango. Lumabas na ako mula sa kwarto at saka nagtungo sa kusina upang ipag