“Thank you, Maui, at nakapunta ka. Ang akala ko’y hindi ka na darating, eh,” masayang untag nito sa kanya nang mabungaran pa lamang ang kanyang pagdating sa bar kung saan kasalukuyang ginaganap ang celebration. “Pupuwede ba namang hindi?” natatawang salag pa nga niya. “Medyo na-late lang ako pero naka-oo na ako, eh, kaya pupunta talaga ako!” Magiliw na tumangu-tango ito. “Pasensya ka na pala, ah?” “Dahil na-late ka? Ano ka ba, wala ‘yon. Huwag mong intindihin ‘yon at ayos lang, gino-good time lang naman kita, eh. Alam ko naman talagang pupunta ka.” Inabot niya rito ang regalong dala. “Eto nga pala, happy birthday, Gabriel.” Mas lalo itong natuwa at tila nasurpresa pang may regalo siya para rito. Tinanggap naman nito. Ang akala malamang nito’y wala siyang regalo dahil presensya pa lam

