CHAPTER 6

2622 Words
SIX: “The business presentation.”   On the other side of the coin focusing on Louisa's story and point of view, nakalaya ito mula sa pitong taong pagkakakulong nang makilala ang taong tumulong sa kanya at ngayon ay boyfriend na niya for two yearsーang dating Congressman ng kanilang distrito na si Antonio Montano, and a rich businessman. "This way, dear," magiliw at maginoong anang nobyo sa kanya nang makarating siya sa sikat at sosyal na Italian resto kung saan nagkasundo silang magkita dahil nagyaya ito ng date. Iginiya siya nito sa loob ng inukupahang private and exclusive na space para sa kanilang dalawa. "Sit down," patuloy pa ni Antonio nang ipaghila din siya ng upuan sa harap ng magarbong mesa. "Wow, this place is exquisite!" namamanghang aniya na naaliw sa pagtatanaw sa mga naglalakihang chandelier na nakasabit sa taas. "Mahal siguro dito, ano?" biro pa niya nang nakangisi sa kasama. Ikiniling lamang nito ang ulo sa kanyang birong tanong tapos ay naupo sa kaharap naman niyang upuan. "In less than fifteen minutes, ise-serve na po dito ang mga food ninyo," nakangiti namang sinabi ng service crew sa kanilang dalawa. Tinanguhan ito ni Antonio. "We'll wait. Thank you." "Thank you po." At tuluyan silang iniwang dalawa. "Nagustuhan mo ba dito, dear?" malambing na tanong kinalaunan sa kanya ng ka-date. She looked at him and gently smiled and nodded. "Oo naman. Nagustuhan ko, sobra. Actually, kahit saan mo naman ako dalhin, basta kasama kita, 'yon ang gusto ko." Magiliw na napangiti ito sa kanyang hirit at paglalambing. Looking at Antonio Montano, though he looked really older than Louisa, ngunit hindi naman halata na may sampung taon ang agwat ng mga edad nila at ten years older ito sa kanya. He still looks great and a muscled man in his thirty-nine years of age. Kung titingnan ay parang mga four to five years lamang naman ang tanda nito sa kanya. Oo nga't ten years ang agwat nila ng kanyang nobyo, but who cares? She will always reciprocate the gratitude by helping him in any way she can, especially in managing his businesses and by staying on his side. Nakilala niya ito noon nang minsan itong may ginawang charity project para sa kanilang mga bilanggo sa loob ng rehas. The first time he laid eyes on her, alam kaagad na gusto siya nito. Like why not? Louisa, even though, she was an inmate, hindi pa rin maitatanggi ang natatanging kagandahang taglay na sinamahan pa ng inosenteng awra ng mukha at siyempre, bata pa.  Likas ding mabait si Louisa, may pakikisama sa mga kasamahang kapwa nakakulong kaya mahal siya ng mga kasama niya. She was also a volunteer inmate teacher, bale nagtuturo siya ng basic education sa mga kapwa inmates na pumasok na no read no write para kahit papaano nama’y kahit nakakulong ay natututo pa din ang mga ito. Nakita ni Antonio ang kagandahan niyang hindi lamang panlabas kundi pati na ring kagandahang loob. Masasabi din ni Louisa na mabait din ang batang Congressman kaya naging magkaibigan sila, nagkapalagayan ng loob, and eventually, he started to pursue her for a deeper and romantic relationship. Nahulog pang lalo ang kanyang loob sa binata nang tinulungan siya nito. Ginamit nito ang koneksyon para mapabilis ang durasyon ng kanyang pagkakakulong hanggang sa tuluyan siyang makalayang muli at makalabas ng kulungan. Now they’re two years in a relationship, at walang pagsisisi si Louisa. She’s beyond grateful sa lahat ng mga naitulong sa kanya ni Antonio, sa kanila ng natitira niyang pamilyaーang kanyang ina. Surely, kung hindi dahil sa lalaki, kung hindi niya ito nakilala at kung hindi ito nabighani sa kanya, malamang ay naroon pa din siya hanggang ngayon sa loob ng kulungan at naghihimas pa rin ng rehas, kaya masasabi niyang napakasuwerte niya for having Antonio Montano in her life… “Nga pala, dear, before I even forget about it, may pino-prospect akong ligawan na huge brand ng business ngayon, and get their partnership para tayo ‘yung gumawa ng advertising services to promote their products here in the Philippines,” pag-o-open up nito sa kanya ng topic na mapag-uusapan nang mai-serve sa wakas ang masasarap at lahat ay mamahalin nilang mga pagkain. “Really? So, how’s that?” interesado naman niyang tanong. Tuwing mag-o-open up kasi ito ng mga galaw nito tungkol sa mga businesses nito, she tries her very best to be attentive kasi gusto niyang maramdaman ni Anton na supportive siya sa lahat ng mga ginagawa nito, mapa-personal matters man or businesses. “Pinag-iisipan ko pa naman. Not yet sure about it, though, pero kung matutuloy ‘to at mag-push through hanggang sa magkapirmahan ng kontrata between two businesses, malaki-laking balik din for sure ito for both companies.” Tumangu-tango si Louisa. “Kung ano man ‘yan, and if you ever have made your mind about it, sabihin mo lang kaagad sa akin at sabihin mo lang kung anong maitutulong ko, you know, I’ll always and I’ll surely get your back!” Nakangiti at thankful na tumangu-tango ito. “And as always I know that. FYI, I have the best and the most supportive girlfriend in the world right here in front of me!” Masayang nagpatuloy sila sa kanilang pagkain. This former Congressman, in fact, is a rich businessman. May mga iba-ibang uri ito ng mga naglalakihang negosyo locally and internationally, at dito sa Pilipinas ay kilala ito bilang may-ari ng sikat na advertising company, ang Montano Ads, handling giant advertising services to market popular brands para tumunog pang lalo at maging target of interest ng mga consumers, buyers, and other business aids. Malawak at matayog ang mga sakop at sektor ng nasabing ads services, mapa-television frequencies man, social media, or even actual large billboards, brochures, calendars, and many more. Little did Louisa know, and even her boyfriend himself wasn’t aware of the fact that he was actually eyeing on a business brand to get partnership whose owner was someone who used to be part of Louisa’s forlorn and tragic past. The name of the brand is Lass Liquors. Lass Liquors are imported alcoholic drinks, sweetly made, bottled, and sealed from the land of Sweden, displayed and sold as expensive and high class beverage choices in the Philippines.     After their last date, tinawagan si Louisa ni Anton sa naging desisyon nito sa pinag-iisipang maigi na tungkol sa pinaplanong makuhang partnership ng pino-prospect na bigating business brand.   "Hello, dear? Napag-isipan ko nang maigi 'to. I wanna push through this prospective business partnership."   Tumangu-tango si Louisa bilang suporta kahit na hindi naman sila aktwal na magkaharap talaga at magkausap lamang over the phone nang mga sandaling 'yon.   "If that's your decision then you know I will support you with it, Anton."   "I know. Thank you, dear."   "Sabihin mo lang agad kung anong mga magagawa at maitutulong ko sa 'yo, I'm always here and always be by your side."   "Just get yourself ready. In two weeks time, makikipagkita ako sa kanila. Isasama, siyempre, kita."   Louisa is actually Antonio Montano's Deputy General Manager and always almost acting as his secretary and right hand na din kasi when in times and in the name of his absence minsan kapag may ibang businesses itong inaasikaso, siya na muna ang uma-attend and acting as if the General Manager of Montano Ads.   'Yon nga ang ginawa ni Louisa. Inihanda niya ang kanyang sarili hanggang sa dumating ang eksaktong araw ng pakikipagkita nila ni Anton sa pino-prospect nitong maging business partner na brand.   Hindi niya mawari kung bakit bigla siyang nakaramdam ng matinding kaba nang makarating sa matayog na building ng kompanyang Lass Liquors. Yes, that's the name of the brand na tina-target ng nobyo niya na makakuha ng partnership with.    Lalo pang nadagdagan ang hindi maipaliwanag na kaba ni Louisa nang pumasok na sila’t tinatahak na ang kahabaan ng hall bago makarating sa conference room kung saan naghihintay ang mga executive heads and senior associates ng Lass Liqours sa pagdating nila.    This feeling is strange and something unusual, hindi naman kasi siya ganito kakabado tuwing may mga major business matters silang pinupuntahan ni Anton, ngayon lang talaga! And she doesn’t even know why or where this kaba is coming from!   "Hey, are you okay?" Anton checked on her while he was holding her hand nang mapansin nito ang tila bigla niyang pamumutla at shakiness ng kanyang mga kamay nang nasa loob na sila ng lift.   She forced a smile and maintained her composure as she nodded.   'Ni hindi nga din siya aware sa nangyayari sa sarili niya. Para bang hindi niya maintindihan kung anong nangyayari sa kanya gayong hindi naman kasi siya usually nakakaramdam ng kaba o uneasiness kapag may mga ganito silang business meetings.   "Sigurado ka?"   She smiled to reassure him that she’s just fine and she can handle whatever it is inside her that's bothering her or causing her to feel really strange.   Nakarating sila sa top floor kung saan naroroon ang conference room kung saan ginaganap ang major business meetings ng kompanya. At nuon napagtanto ni Louisa kung bakit ganoon na lamang ang hindi maipaliwanag na kaba niya mula nang tumuntong sila dito sa matayog na building ng Lass Liquors. Nakarating sila’t sa pagpasok nila ni Anton sa mismong room ay halos gusto niyang himatayin sa gulat at matinding pagkabigla dahil isang tao mula sa nakaraan ang kanyang muling nakita na hindi talaga niya inaasahang makikita pang muliーor at least not here on this place and not right at this moment! But it’s really true! Haris Legazpi, her ex-boyfriend, ah no, it's actually more than that! Her ex-fiance is sitting as one of the major people in the board!   Kung nagulat si Louisa, mas lalo naman ang dating kasintahan niyang hindi inaasahang isa siya sa mga makikitang bagong mukha na interesado sa business partnership ng kompanyang pinamumunuan at pag-aari ni Haris.   "Good morning, everyone. I am Anton Montano from the Montano Ads. I am pleased to finally be right in front of you all and I'm really looking forward to starting a business partnership with one of the huge brands of alcoholic drinks here in the Philippines such as Lass Liquors…" pauna ni Antonio in a very articulate and smart business-minded tone.   Positibong nagkatinginan at nagkatanguhan naman ang board na para sa introduction pa lang ni Anton ay na-impress na kaagad ang mga ito at interestedo sa inihahain nitong business partnership with their brand. Except of course with the one person in sitting at the edge of the long table and he was like owning everything in that expensive looks. Expensive clothing and expensive aura.   Hindi na lamang nagpaapekto at kunwari ay walang alam si Louisa sa kabila ng pagiging aware niya na mula pagdating nila ay napako na sa kanya ang mga mata ni Haris.   "And before I forget, let me introduce to you too my beautiful Deputy General Manager of Montano Ads who's been my partner and also my acting secretary for the past few years. Louisa Flores."   "Hello, good morning. Pleased to meet you, everyone." Naitago kahit papaano niya ang kaba sa pagpapanatili ng kanyang composure.   "We are pleased to meet you too, Mr. Montano and Miss Flores. I am Clark Chio, the Managing Head of Lass Liquors, also the one who made this meeting possible. And the reputable man sitting over there is no other than the President and Owner of this huge company and brand. Mr. Haris Legazpi."   Antonio took the initiative to go to every person on the board to shake hands with, for formality purposes na din before proceeding to straight business discussions. He started with Clark Chio and then everybody else followed, at ang panghuli ay ang may-ari at Presidente ng Lass Liquors na si Haris Legazpi.   Siyempre, kung inumpisahan at ginawa ni Anton, kailangang sundan 'yon ni Louisa. And she started shaking hands with Clark Chio too, and then the others. Habang papalapit nang papalapit sa pinakahuling tao ay nagwawala na sa pagtambol ang kanyang dibdib.   "Nice to finally meet you, Miss Louisa Flores," Haris said as their hands held again for the first time after eight long years they didn't see each other.   Of course, there was a hint of sarcasm and hatred in his voice and tone, and that was understandable. Ayaw na lamang isipin pa ni Louisa. She has to be professional and set everything aside. Besides, ang nakaraan ay nakaraan na.   May sari-sariling mga buhay na sila sa kasalukuyan.   Naramdaman niya ang higpit at walang ingat na pagpisil nito sa kanyang kamay habang diretso pa ring nakatitig ang madidilim nitong mga mata sa kanyang mga mata. She already gestured ng pagbawi na ng kanyang kamay ngunit tila ayaw nitong bitawan 'yon.   Ngunit bago pa man gumawa o makapag-iwan ng palaisipan sa pagkikipagkamay nilang dalawa sa isa't-isa'y binitawan na rin ni Haris ang kanyang kamay.   She really tried her very best to calm herself down para huwag siyang manginig o 'di kaya nama'y mawalan ng balanse at matumba sa sobrang panghihina ng tuhod. She didn't want to make any scene. Lihim siyang nakahinga nang maluwag na walang anumang nangyari sa kanya hanggang sa makabalik na siya sa tabi ng kanyang nobyo.   The presentation of Anton and his introduction of Montano Ads to Lass Liquors for prospective business partnership and the services their company could offer to this brand went well hanggang sa natapos na rin ang conference.   Naging maganda rin ang feedback ng mga taga-Lass Liquors at majority pa nga sa mga ito ang nagsabing they're really looking forward to doing business with Montano Ads.   Sa ngayon ay pag-iisipan munang maigi ng Presidente at may-ari ng Lass Liquors ang magiging desisyon, kung tatanggapin ba nito ang business partnership and services na inaalok ng Montano Ads for this brand. Surely, the positive feedbacks from his members could affect his decision, but at the end, salita pa rin nito ang masusunod kaya nasa mga kamay pa rin nito kung gugustuhin ba nitong piliin ang Montano Ads for marketing and advertisements over the other advertising lines din na nagnanais na makuha ang partnership na ninanais nila.   Tila nakahinga lamang ng maluwag si Louisa nang lumabas na sila ng espasong 'yon at nagtuloy-tuloy na sila ng kanyang boyfriend hanggang sa may parking lot basement ng matayog na building.   Anton was about to enter the car keys ng ginamit nilang sasakyan papunta rito nang tila may naalala bigla ito.   "Anton, what's wrong?" she immediately checked him.   "My bad, dear. I forgot my phone inside the conference room."   "Oh!"   "Is it okay if you'll wait here for me for a while? I promise, hindi ako magtatagal. I just really need to get my phone from where I left it. You know, I have important things stored there too, so, hindi puwedeng iwanan ko na lang at bastang palitan."   "I understand." She nodded very understandingly. "Sige na. Balikan mo na muna do'n. Hintayin kita rito."   "You sure?"   She assured. "Yes. Basta huwag kang magtatagal, ah? Balikan mo kaagad ako rito. Ayokong maghintay ng matagal, dear."   Ngumiti ito saka tumangu-tango. "Yes. I promise, dadalian ko 'to."   Tinanaw niya ito nang bumalik na ito sa loob ng elevator.   Siya nama'y nanatiling nakatayo dito sa kinaroroonan niya para hintayin ang pagbalik ni Anton.   No worries, madali lang naman daw at babalik din kaagad. Hindi naman siguro siya maghihintay ng sobrang tagal.   She was patiently standing there and waiting for her boyfriend when suddenly and to her horror, nakita niya ang isang itim na sasakyan na humaharurot sa kanya mismong kinatatayuan!   The lights of the said car reflected and focused directly in her direction!   Oh my god! Mababangga siya!   She couldn't do anything that very moment kundi ang mapatili na lamang sa sobrang takot na mahahagip na siya ng humaharurot na sasakyan!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD