TWENTY-FOUR: "Mga rason." Louisa sighed and just decided to go with the flow. Bahala na. Isa pa'y ano pa bang magagawa niya? Eh, umaandar na ang sasakyan! At mukhang wala namang plano ang driver na ihinto ang pagmamaneho, unless na lang kung galing mismo kay Haris ang utos na itigil nito ang sasakyan, pero alam niyang hindi rin ipapatigil ni Haris hangga't hindi pa sila nakararating sa kung saan man siya nito binabalak na dalhin. Pagdating talaga kay Haris, hindi niya maikakaila sa kanyang sarili na marupok siya't bumibigay pa rin kahit na anong gawin niya. Oo nga't sinusubukan niyang baguhin ang sarili, mas patigasin ang kanyang damdamin, ngunit kadalasan talaga'y mga titig pa lamang ng taong ito ay nalulunod na siya tulad ng dati na tila nawawala siya sa sarili at kinakain na lamang ng

