“SAAN mo ba talaga ako balak na dalhin, Haris?” natatawang tanong ni Louisa isang araw nang yayain siya ni Haris na mamasyal at inaalalayan sa paglalakad habang pinipiringan ng panyo ang kanyang mga mata. “Basta. Malalaman mo din mamaya. Magtiwala ka lang sa akin. Do you trust me?” magiliw naman nitong salita. “Ikaw pa ba? Siyempre, naman! I trust you a lot!” Riverside with a park bench under the acacia tree. This is such a beautiful and peaceful space. Isa rin ito sa mga paborito nilang puntahan kapag gusto nila ng tahimik na date na silang dalawa lang. Kapag nama’y minsang may awayan o tampuhan sila, it’s either he or she is going to go to this place, at malalaman na kaagad ng isa kung saan pupuntahan ang kapareha, at sa lugar din na ito sila mag-aayos at magbabati. “Nandito na tayo,

