Tila nag-isip si Teddy, at bigla ngang pumasok sa isip ang isang kaibigang hindi inaasahang makakasalubong niya sa mall noong nakaraang araw, nagkakamustahan, at nabanggit nu'n na naghahanap daw 'yon ng trabaho ngayon kasi sawa na sa buhay bilang plain na housewife na nakaasa lang sa ibibigay ng asawa. That woman also wants to work to live a life and earn her own living. "Yes, may kilala ako. At mukhang papatok 'yon sa standard mo at sa standard ng boss Trevor mo kasi matalino at masipag din ang isang 'yon since college days namin. Ilang beses pa ngang nananalo at nae-elect 'yon bilang officer ng iba't-ibang organizations and clubs sa university, eh." Bigla namang tila nabuhayan si Carmelita ng pag-asa. "Talaga? Maganda 'yon, kung gano'n! Papuntahin mo as soon as you can at nang makausap

