“SAAN ka na naman nagpunta, ha?” Amoy ng alak ang agarang bumungad kay Cora pagkarating niya sa bahay nilang mag-asawa. Naroon si Race sa may dining at mag-isang umiinom ng alak. Buhay nga naman, oh! Galing na nga siya sa lugar na puro alak ang kanyang maamoy, pati ba naman dito sa bahay pag-uwi niya’y ganoon pa rin ang madadatnan niya! Well, wala naman sanang magsama sa pag-iinom at kahit siya nga din naman ay umiinom, pero ‘yung halos araw-araw at gabi-gabi na lang tapos wala na siyang ibang maaamoy sa kapaligiran ng kanilang bahay kundi puro alak, ‘yon ‘yung hindi maganda do’n! Mahinahon lang ang tinig ni Race ngunit tunog aristokatro. Hindi ito nakatingin sa kanya bagkus ay diretso lamang ang mga mata nito mula sa kinauupuan at pinaglalaruan sa kamay ang basong may alak. “Kina Lo

