TWENTY-ONE: "Hindi ginustong pag-iwas." SA nangyari ay iyon na nga ang naging mitsa ng umpisang pasimpleng pag-iiwas ni Louisa kay Haris. Hindi siya nagsasalita ngunit pinanatili niya ang pagiging professional lalo pa’t tuwing kailangan nilang magkaharap para sa tawag ng trabaho. Siyempre, pansin din naman ‘yon ni Haris. Kahit na wala siyang anumang sabihin pero hindi naman manhid ang lalaki upang hindi makaramdam sa tila pag-iiwas niya rito. Ipinasya ni Louisa na ibuhos na lamang ang atensyon at oras kung hindi sa trabaho ay sa pagtawag sa kanyang nobyong si Anton. “Dear…” sambit nito nang tumawag siya at nasa kalagitnaan pa yata ito ng mga tambak na trabaho at mga inaasikaso nito sa negosyo nito. “Hi, Anton…” she spoke in a sweet voice. “Hi. Bakit ka napatawag?” “Wala lang. I just

