Chapter three

1009 Words
Chapter Three AYEN’S POV’S Nakakabanas naman yun lalaking yun, sino ba sya sa inaakala niya, asar ah, pasalamat sya, di ko sya masyadong namukhaan,medyo madilim nga diba, arrg asar. Anyway.. Papunta pala ako dun sa may park, tinext ko ulit si Tristan para dun na lang kami magkita, and their, naghihintay nga sya dun Lalapit palang ako sa kinatatayuan niya, nang may kinuha sya sa loob ng sasakyan niya na cake, sweet naman ng boyfriend ko Dahan dahan syang lumapit sa akin, habang hawak hawak yung cake kinikilig ako “sengil chukka Hamnida” (happy birthday to you) “senile chukka Hamnida” (happy birthday to you) “ wow ah, kelan ka pa natutong mag Korean?” tanong ko “kanina lang” ang sweet niya talaga, nag aral pa talaga sya ng Korean para kantahan ako “nag abala ka pa” “para sayo talaga to, teka, kaninong tuxedo yan?” tanong niya, lagot napansin niya Syempre naman mapapansin niya to, sa laki ba naman ng tuxedong to, di niya mapapansin? Shunga lang “kay daddy” nayon lang naman ako magsisinungaling eh, wag niyo na akong isumbong “aaahh ok, tara” aya niya “san tayo pupunta?” tanong ko “kahit saan” At pinag buksan niya ako ng pintuan, ang swerte ko talaga sa boyfriend ko, pero sya kaya ganito rin kaya nararamdaman niya para sa akin, swerte rin ba ako para sa kanya? Ayoko talagang sabihin na may fiancé na ako, baka ibreak niya ko eh, oh kaya maghanap sya ng ibang babae, ikamamatay ko yun! “bakit ayaw mo kong papuntahin sa bahay niyo?” bat niya pa tinanong “dumami kase yung aso namin eh” ang tanga ko rin magpalusot “para kaseng may party sa loob ng bahay niyo?, ano bang meron?” “ha? Ano wala yun, konting salo salo lang para sa birthday ko” “buti pinayagan kang umalis?” “nag paalam naman ako eh, kaya din a nila ako hahanapin” lagot, ang sinungaling ko talaga, baka lumaki ilong ko neto Dinala niya lang ako sa isang resto sa gilid ng dagat, talagang nireserve niya to para sa araw na to, ang sweet noh! Bakit kase hindi na lang sya ang maging fiancé ko. Hindi kase gaanong kilala ang pamilya nila Tristan kaya ayaw ng family ko sa kanila, ang gusto talaga nila ay yung pamilya, kung saan, lalago ang negosyo namin, mga muka talagang pera ang pamilya ko ****** *pak* “san ka galing kagabi?” malakas na sampal galing kay papa ang sumalubong sa akin ngayong umaga, dun kase kami natulog ni Tristan sa bahay nila. “oppa, stop it” pigil ni ate kay papa “hindi ba kabilin bilinan namin na hindi ka pwedeng umalis” hindi parin ako sumasagot, kahit gusto kong sumagot kay papa, kawalan kase ng respeto yun pag sinagot ko sya “sinong kasama ko huh!” “oppa, tama na” si ate ang umaawat kay papa “pagsabihan mo yang kapatid mo!” sabay alis ni papa, nag walk out “aish, halika nga dito” hila hila ako ni ate papuntang kwarto “bunso, diba sabi ko naman sayo, wag kang aalis” “pero ate” “aish! ang tigas ng ulo mo, pareho kayo nang mapapangasawa mo” “huh?” “anong meron sa fiancé ko?” tanong ko “wala rin sya kagabi, at tumakas rin sya” buti naman “mas maganda nga yun eh, hindi kami magkasundo para naman, din a nila ako ipakasal sa lalaking yun” “kahit na ayaw niyo, tuloy parin ang merger” “wala na bang paraan ate” “makisama ka na lang bunso, kahit ako wala akong maagawa” “ate, pano si Tristan” “much better siguro kung hihiwalayan mo na sya” “no!” ayoko talaga “baka pati sya madamay” “ayoko” “ikaw bahala, basta, pinagsabihan na kita” then umalis na sya sa harap ko Ayoko syang hiwalayan, ayoko talaga, bakit ang saklap naman ng buhay, bakit nagkaroon ako ng pamilyang ganito, I hate it ! ****** BENCH POV’S Tinatamad akong magsalita Inaantok pa ko bye! ****** AYEN’S POV’S “so kilala mo na yung mapapangasawa mo?” tanong ni Cha “hindi pa” “bakit naman?” tumakas din daw sya eh “wow ah, bagay talaga kayo” “mas bagay kami ni Tristan” “Tristan nanaman, oh ano palang balita sa inyo?” “ayun, kami parin hahaha, ang sweet niya nga nung birthday ko eh” “wala ka paring balak sabihin?” “ang alin?” “yung fiancé mo” “wala akong balak, baka mamaya maghanap sya ng iba noh” “unfair din kaya yun” “pano naman nagging unfair?” “para ka na ring nagcheacheat sa kanya” “hindi ko magagawa yun noh” “kahit na, think about it, magkakaasawa ka na, pero may boyfriend ka pa? anu yun? Para ka nang two timerniyan" “hindi ko naman mahal yung mapapangasawa ko ah” at kahit kalian hindi ko sya mamahalin! “at isa pa may plano na ako” dagdag ko “ano?” “basta, ako nang bahala” bwahahaha, abangan niyo na lang kung ano “tara nanga pasok na tayo” aya ni Cha Nag lakad na kami papuntang room namin, habang nasa hall way kami napansin ko yung mga babae na nakasilipsa kabilang room, dun sa katabi naming room “anong inagawa nila?” “sumisilip baeh malamang” oo nga naman “sino naman sinisilip ng mga yan” “yung transferee, siguro, gwapo daw kase” “gwapo?” “tara tignan natin” sabay hila sa akin ni Cha papunta dun sa bintana, muka kaming stalker neto eh, nakakahiya naman “ayun sya oh, ang gwapo niya” “kaayaahh!!, nakakainlove” “sana sya na ang mapangasawa ko” “mahal ko na sya!!” Bulon ng mga katabi kong sumisilip, di ko naman masyadong makita yung lalake, nakatalikod kase, para kaming timang dito na sumisilip habang nagklaklase sila “HOY, KAYO, GO TO YOUR RESPECTIVE ROOMS!” Lagot napansin kami nung terror na professor, nagsitakbuhan lahat ng mga estudyanteng kasama kong sumilip Habang ako? Heto naiwan at parang ayokong umalis sa kinatatayuan ko Napalingon lahat nung mga estudyante na nasa loob ng room na yun, at pati yung transferee nalingon din kaya nakita ko ang muka niya Sya nga… Sya nga yung nag abot ng pantapal ko sa mall, Nakakahiya takbo na YEN! Hindi na ako nakapagsalita pa, para akong stufftoy na na hindi gumagalaw. Huwag sana niya ako mapansin ayoko na sa earth! Patingin tingin ako sa transferee hinila na lang ako ng kaibigan ko para umalis sa lugar na yon, infairness gwapo nga. Pero nakakahiya parin nasa iisang lugar lang kame at magkalapit Paano nalang kung makita niya ako? Magface to face kame? Ano kaya sasabihin ko? Patay malisya na lang ba ako?  Hayss bahala na kahit naman magplano ako ng sasabihin ko hindi ko naman masasabi yun agad agad lalo kapag mabigla ako. Sa dami rami pa kase ng mahuhulog napkin ko pa talaga sa mall pa? Ano ba problema ng bag ko sinadya ata mapahiya ako, lalake pa talaga nakapulot,tsk. Malawak naman itong school baka hindi rin lang niya ako mapansin lalot muka naman syang playboy, may itsura e marami naman magagandang babae dito,hindi na ako mapapansin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD