bc

The Billionaire's Maid [R18]

book_age18+
130.4K
FOLLOW
697.2K
READ
billionaire
love-triangle
possessive
independent
maid
heir/heiress
drama
twisted
first love
wild
like
intro-logo
Blurb

WARNING! THIS STORY CONTAIN MATURE AND EXPLICIT CONTENT THAT IS NOT SUITABLE FOR MINORS! RATED SPG!

Langit at lupa ang agwat nila.

Isa siyang katulong at siya nama'y nag-iisang anak ng isang kilalang pamilya sa bansa, na pinagsisilbihan niya.

She know her place, that's why she tried so hard to avoid him. Pero sadyang makulit ang batang amo dahil kahit ano'ng iwas niya ay mas lalo lang itong nagpursigi para paamuhin siya.

chap-preview
Free preview
Prologue
Kalalabas ko lang mula sa banyo nang mapansin kong bukas ang pinto ng kuwarto ko. Mabilis akong pumasok sa loob at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang madatnan ko si Sir Carl, habang nakatingin sa mga damit ko na nakapatong sa kama. Nandoon ang pamalit kong mga underwear. "M-may kailangan ka po, sir?" tanong ko at mabilis na dinampot ang mga damit ko na nasa kama. Nailang ako sa mga underwear ko na tinitingnan niya. Iyong panty ko pa man din ay luma na at sobrang nipis. Tumayo ako at kinipkip ang mga damit ko. Ngayon ko lang napagtanto ang itsura ko. Nakatapis lang ako ng tuwalya. Pulang-pula ang aking mukha sa hiya. Bakit ba kasi siya nandito? "Sinusumpong ako ng insomnia ko. Samahan mo ako, maglaro tayo ng baraha," wika niya habang nakatingin sa mga pictures na pinagdidikit ko sa dingding. "S-Sige, Sir. Hintayin mo na lang po ako sa labas..." Hindi pa siya agad kumilos kaya muli akong nagsalita. Tutok na tutok ang kaniyang mga mata sa mga pictures. "M-Magbibihis lang ako, Sir..." Bago siya lumabas ay bahagya pa niyang pinasadahan ng tingin ang aking katawan. Pulang-pula na ang aking mukha sa hiya. Nang makalabas ay mabilis kong sinara ang pinto. Kinapa ko ang dibdib ko at ang aking pisngi na nag-iinit. Nagsuot lang ako ng tshirt at pajama. Paglabas ko ay agad naglakad si sir palabas ng maids quarter. Akala ko sa sala o garden kami tatambay, pero laking gulat ako ng sa kuwarto niya ang tungo namin. Bigla tuloy akong kinabahan at pumasok na naman sa utak ko ang halik niya noon sa akin. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay dahil nakita niya ang pag-alangan ng aking mukha. "Maglalaro lang tayo," sabi niya sabay ngisi. Tumango ako at tahimik na sumunod sa kaniya. Nauna na akong maupo sa couch na malapit sa terrace. May braha siya sa center table na agad kong inabot at binalasa. Sa mini ref siya dumiretso at naglabas ng dalawang bote ng beer at chocolate. Kumuha din siya ng mga imported na crackers sa maliit niyang cabinet sa tabi ng ref. "Umiinom ka naman siguro no?" tanong niya bago nilapag sa harap ko ang isang beer. Tumango naman ako at pinulot ang bote at lumagok. Isang beses pa lang ako nakapag-inom. 'Yon ay noong 18th birthday ko, kasama ang mga kaibigan ko. Umupo siya sa pang-isahang couch na nasa tapat ko. Sinimulan ko ding magbalasa ng braha. Maglalaro kami ng tong-its at sa bawat laro ay ako ang panalo. Nangingiti ako habang si sir naman ay napakaseryoso ng mukha, marahil ay dahil sa sunod-sunod na pagkatalo niya. Sayang at walang pusta. "Ang boring," sabi niya. "Sabi mo lang 'yan kasi natatalo ka," sagot ko naman. Nangiti siya at napahawak pa siya sa kaniyang baba at bahagyang hinimas ito gamit ang tatlong daliri niya. "Gawin nating masaya ang laro," mungkahi niya. "Paano?" tanong ko naman. Wala akong dalang pera dito. Medyo may tama na ako sa beer na iniinom namin. Nasa pangalawang bote na ako. Kaya naman ramdam ko na ang pangangapal ng aking pisngi. Marahil ay pula na din ang mukha ko. "Kung sino matalo maghuhubad ng suot." Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi niya. Tinaasan niya ako ng kilay at tila ba naghahamon. Seryoso siya? "O-Okay," sagot ko sabay ngisi. Lasing na ata ako. Kung ano-ano na din ang pumapasok sa isip ko. Tumawa siya. Akala mo naman matatalo niya ako. Marahil dala ng alak ay hindi ko na naisip pa ang kahihiyan kung sakaling matalo niya ako at kailangan kong maghubad. Sinimulan na namin ang laro. Una ay natalo ako. Hinawakan ko ang aking isang tenga at tinanggal ang isang hikaw ko. Natulala siya sa ginawa ko. Nginisihan ko siya. "Madaya," sabi niya. "Paanong madaya? Suot ko naman hikaw ah," katwiran ko. Mabuti na lang at hindi ko ito hinubad kanina. Hindi ako dapat matalo. Kaso kung siya ang matalo, ibig sabihin... Nag-aalangan ako na nahihiya at na-e-excite. At heto nga! Siya ang talo. At ang una niyang hinubad ay ang kaniyang suot na relo. Kagat labi kong hinubad ang aking tshirt ng matalo ako. Natalo ako ulit kaya sinunod kong hubarin ang aking pajama. Ngayon ay panty at bra na lang ang tanging suot ko. Malamig ang aircon ngunit mainit ang aking balat dahil sa alak at sa pagkailang. Sa wakas! Nanalo din. Una niyang hinubad ang suot niyang tshirt. Nakaramdam ako ng pagkailang ngunit hindi ko naman maalis ang aking mga mata sa maganda niyang katawan. Ang ganda ng katawan niya! Batak ang kaniyang muscles. Halatang alaga ito sa gym. Ang tiyan niya'y halatang matigas dahil sa mga pumuputok na abs. Binilang ko ang mga ito. Walo! Grabe! Ngumisi siya at tila ba nasiyahan sa nakitang reaksyon ko. Nag-iwas ako ng tingin at nagbalasa ulit ng braha. Sunod ay ako ang natalo. Hindi ko na magawang tumingin sa kaniya sa labis na hiya. Para din akong kakapusin ng hangin. Hinubad ko ang aking bra at tumambad ang bilugan at mapuputi kong dibdib. Ang aking utong ay tayong-tayo. Nakatingin siya ng mariin sa dibdib ko. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang adams apple. Tumikhim ako at muling nagbalasa. Siya naman ang natalo. Naghubad siya ng boxer shorts niya. Nag-iwas ako ng tingin bago pa niya mahubad ang boxer. Nahiya ako, alam ko naman na may suot pa siyang briefs kaso hindi ko kayang makita iyong bumubukol. Tiyak na may bubukol! Naglagay siya ng panibagong beer sa tapat ko. Inubos ko ang nauna ko ng beer. Pansin ko na panay ang sulyap niya sa mga dibdib ko. Tiningnan ko din siya. Nasa kulang dalawang metro ang layo namin sa isa't-isa. Nagsalubong ang aming mga mata. Ang mga labi namin ay nakaawang. Wala sa sarili na kinagat ko ang aking labi nang makita ko ang pasimpleng pagbasa niya ng kaniyang labi gamit ang kaniyang dila. Maya-maya ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.3K
bc

Unloved by the billionaire

read
396.3K
bc

Sexytary |SPG|

read
535.2K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
248.3K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
324.6K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
452.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook