Chapter 3
Dapit alas tres nang hapon na araw ng Sabado abala ang batang si Emma na gumuguhit nang kanilang talang proyekto na dapat niyang isubmit sa araw na lunes.
Naka-upo si Emma sa kahoy na upuan samantala naman sa lamesa naka-patong ang sketch paper at iba pa niyang pang-guhit tulad nang lapis, ruler at iba pa. Ilang oras na naka-tutok sa pag guhit ng larawan si Emma at sa katunayan sa murang edad, talento niya na ang pag guhit ng iba't-ibang larawan at minsan na rin siyang sinali sa mga event sa kanilang school dahil sa kaniyang talento at magagandang obra na ginawa.
Tinaas ni Emma ang kamay at sabay inat. Dama ang pananakit ng balikat at likod at mabilis naman napawi at napalitan ng ngiti sa labi, na sa wakas natapos niya na din iguhit ang proyekto na dapat niyang gawin.
Sinimulan ni Emma na kulayan iyon ng mga pang kulay, at natigil siya sa ginawa nang marinig ang yabag ng paa papasok ng kaniyang silid.
Malaya na naka-pasok ang kapatid niyang si Paul, dahil hinahayaan lamang ni Emma na naka-bukas ang pintuan kapag naroon siya mismo sa loob.
Suot ni Paul ang itim na short at puting sando. Pawisan na rin ang noo nito at kay lawak si Emma na tinignan nito. "Tara ate, laro tayo!" Aya nito at pinakita ang hawak na bola.
"Mamaya na Paul, marami pa si Ate na dapat tapusin." Tinuon ni Emma ang atensyon sa ginagawa at patuloy pa rin na kinu-kumbinsi, na mag laro silang dalawa.
"Sige na ate. Laro tayo bola-bola. Sige na." Matinis at makulit nitong pangungumbinsi na ayaw mag patalo. Kinuha ni Emma ang bottled water sa tabi at uminom ng tubig–para maibsan ang uhaw na nadama. Binalik niya kaagad ito sa dati na kinalalagyan na hindi tinatakpan ng takip nito.
"Mamaya na sabi eh. Kailangan na tapusin ni Ate ang ginagawa ko sa school. Mamaya na lang okay? Mag laro ka muna mag-isa." Gusto na ni Emma na matapos ang ginagawa para bukas manunuod na lang siya mag damag ng inaabangan niyang telebisyon. Ganun kasi ang naka-ugalian ng batang si Emma na tinatapos niya kaagad ang anumang project at assignment araw pa lang ng sabado, para sa linggo makakapag-pahingga na siya at gawin ang gusto niyang gawin.
"Ehh! Ate!" Nag papadyak na ito sa sahig at kasabay ang pag tantrum na hindi mapag bigyan ang gusto nito.
"Ughh!" Tinakpan ni Emma ang mag kabilang taenga para hindi marinig ang pag mamaktol at kulit nito. "Paul!"
Naka-busangot na ito at nag papaawa na mag laro silang dalawa. "Labas kana muna, tatapusin ko muna ang ginagawa ko okay?" Mahinahon niyang saad at iniiwasan rin ni Emma na sungitan ang bunso.
"Gusto ko, ngayon na!" Giit nito na hindi pa rin napapagod na kumbinsihin siya.
"Bahala ka nga diyan!" Tinuon ni Emma ang atensyon muli sa ginuguhit para matapos na kaagad. Simulang pag laruan ni Paul ang hawak na bola. Pinatalbog niya ang bola sa sahig na maka-gawa ito ng malakas na tunog at mawala si Emma sa konsentrasyon ng kaniyang pag-kukulay.
Palakas nang palakas at pabilis ang pag talbog ng bola at sa hindi inaasahan tumalsik ang bola ng mabilis at matamaan nito ang bottled water na iniinom ni Emma.
Sa isang iglap dumaloy ang tumilapon na tubig at nabasa ang ilang oras na tinatapos ni Emma na sketch.
"No, no!" Sinalba ni Emma ang sketch sa pag kakabasa pero huli na dahil nabasa na ang kahalati ng kaniyang ginuhit.
Inis na binalingan ni Emma ng tingin ang makapatid na ngayon na may pilyong ngiti at nilabas ang dila para asarin siya nito.
"Ikaw talagang bulinggit ka!" Inis na sigaw ni Emma at humagikhik lamang ito nang tawa imbes matakot.
Susugudin sana ito ni Emma ngunit nauna na itong kumaripas ng takbo palabas ng kaniyang silid. Hahaha! Habulin mo ako Ate!" Hiyaw na sigaw nito na parang kinikiliti.
"Ughh!" Inis na sambit ni Emma at hinabol ang kababatang kapatid at hindi niya naabutan dahil sobrang liksi at bilis nitong tumakbo.
Nag habulan sila sa malawak na sala ngunit nalulusutan lamang siya nito. "Titirisin talaga kita kapag nahuli kita."
"Haha! Bilisan mo ate!" Tinataas nang batang si Paul ang kamay na tuwang-tuwa na hinahabol siya ng kaniyang nakakatandang kapatid.
Hinahabol lamang ni Emma si Paul samantala naman ang makulit at bibong bata–malakas at matili na sumisigaw at tuwang-tuwa pa,
Sa kanilang pag habulan na dalawa. Mabilis na tumago ang batang si Paul sa ilalim ng upuan sa dining table para hindi mahuli ng kaniyang kapatid. Bungisngis ang batang si Paul at tuwang-tuwa dahil nakikipag-laro na sakaniya ang nakakatandang kapatid na habulan.
Sa dakong banda naman inis na inis si Emma dahil hindi pa rin mahuli-huli ang kapatid. "Mahuhuli din kita." Giit niya pa na asik na hindi pa rin napapagod na habulin ito.
"Haha! Habulin mo ako, habulin!" Pang iinis nito at nilusot ni Emma ang kamay sa ilalim ng upuan para abutin ito. Pinasok ni Emma ang katawan sa ilalim ng dining at ilang pulgada na lang ang layo, at maabot niya na din ang kapatid.
"Hindi mo ako mahuhuli! Bleeh" nilabas ni Paul ang dila at sumiksik sa ilalim ng lamesa at mabilis itong naka-takbo palabas ng dining area. "Paul!" Sigaw ni Emma, samantala naman ang masayang tuwang-tuwa na kapatid.
"Haha! Habulin mo ako! Habulin!" Sa kanilang pag hahabulan naka-punta na sila sa laundry area. "Hindi mo ako mahuhuli, ang bagal mo ate tumakbo!" Asar nito.
"Titirisin talaga kita, Paul."
"Haha!" Hindi inaasahan na nabunggo ni Paul ang hamper kasabay na pag kadapa ng bata at pagka tapon ng kong ano man ang laman no'n sa sahig.
Naka dapa ang batang si Paul sa malamig na sahig. Hindi ininda ang sakit ng pag-bagsak at sobra pa din na taas ng kaniyang hyper nang kakulitan. Bumangon si Paul sa pag kakadapa at doon naman naka-kuha ng pag-kakataon ang batang si Emma na mahuli ito.
Hinawakan ni Emma sa pisngi si Paul at pinang gigilan ang mamula-mulang pisngi nito. "Ito sayo! Ang kulit-kulit mo kasi."
"Ate, aray masakit. Haha!" Tumatawa pa ito, kaakibat nasasaktan sa pag kurot ni Emma ng pisngi nito. Ibang klase talaga ang kapatid niya.
"Ano bang inggay iyan?" Sulpot ng bagong dating nila na si Auntie Flora na matigilan silang dalawa ni Paul. Binitiwan ni Emma ang pag pisil sa pisngi ng kapatid at hinarap ang kanilang Auntie na naka-busangot na. "Emma, Paul, huwag kayong mainggay. Kailangan kong bumawi ng tulog dahil may trabaho pa ako mamaya." Bakas ang pagod at puyat ng kanilang Auntie Flora na halatang nagising nila ito sa kanilang ingay na dalawa ni Paul.
"Sorry Auntie, si Paul kasi."
"Oh bakit ako?" Inosenteng depensa ni Paul na sinamaan ni Emma ng titig ang kapatid. "Ayaw mo kaya makipag laro sa akin eh." Nag pout ito sabay pa-cute.
"Kayo talagang mga bata kayo."
Lumapit si Auntie Flora saamin at inalis ang kumapit na alikabok sa balikat at damit nito sa kanilang pag-hahabulan kanina. "Diba sinabi ko sainyo na ayaw kong mag- iinggay kayo tuwing araw, dahil nag papahingga ako." Sermon nito na mahina at malumanay na paraan.
"Sorry po talaga auntie, hindi na po mauulit." Ayaw kasi ng kanilang Auntie na mag-iingay sila tuwing umaga dahil ito din ang oras nito nang pag-papahingga sa kaniyang trabaho.
"Sige na bumalik na kayo sa inyong silid. At ikaw Paul, huwag mo na kulitin ang Ate Emma mo, huh?"
"Wala akong kalaro Auntie. Gusto ko pa makipag-laro kay Ate Emma."
"Mamaya pag uwi, ko mag lalaro tayo ng bola mo. Hmm?" Umaliwalas ang mukha ng bata sa sinabi ng kaniyang Auntie.
"Yey!" Tumakbo na palabas si Paul at naiwan na lang kami ni Auntie Flora.
"Sige na, pumanhik kana Emma sa iyong silid. At ako na ang bahala sa kalat niyo ni Paul." Isang tango na lang ang sinagot ni Emma at tangkang aalis na—at nag paiwan pa siya nang huling sulyap sa Auntie nito na nag lakad, patunggo sa nasagi kanina ni Paul na hamper. "Ang rami na palang mga labahin, hindi ko pa ito nalalabhan pala." Bulong ni Auntie.
Pinapanuod lamang ni Emma ang pag lagay ni Auntie ng mga labahin sa hamper na tumilapon kanina nang masagi ni Paul. Wala sa sariling napa-baling ng tingin si Emma sa isang parte at sa aking pag-kagulat sa aking nasaksihan dahil nakita ko pa ang mga naka-tambak na mga labahan na hindi man lang ito nagalaw.
Sandali, ano ito?
Naalala ni Emma ang sinabi ng Ina kahapon na nag laba ito, kaya't imposible itong pumunta sa aking School.
Pero bakit hindi man lang nagalaw ang mga labahan dito sa Laundry area, gaya nang sinabi nito na nag laba siya?
Hindi kaya nag sinunggaling siya sa akin?
Maraming mga katanungan sa isipan ng batang si Emma at hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin ang aking hinala.
Nahinto si Emma sa pag-iisip ng makita ko ang maitim na bulto ng aking Ina na naka-tayo sa labas ng pinto ng laundry Area.
Naka-ngisi na pinapanuod kami ni Auntie Flora.