Chapter 9
Naalimpungatan si Emma ng marinig ang malakas na pag-tahol ni Summer.
Malakas na tahol, kaya't siya magising.
"Summer, tama na!" Gumulong ang batang si Emma at tinakpan ng unan ang mukha para hindi na marinig ang patuloy na pag-tahol nito nang paulit-ulit. "Huwag ka sabi mainggay Summer, eh!" Biglang napa-balikwas ng bangon si Emma, ngunit sa kaniyang pag-tataka wala doon ang aso sa silid.
Minsan na rin natutulog si Summer sa aking silid at kadalasan talaga na tinatabi ito ni Paul bago matulog. Dalawang linggo na sakanila ang aso na si Summer at masasabi ni Emma na makulit at masayahin nito.
Tumingin si Emma sa orasan at dapit alas dose na nang madaling araw. Rinig na rinig mo sa kabuuang bahay ang malakas na tahol ni Summer na hindi maawat.
"Ang makulit talangang bulingit na iyon!
Nakikipag-laro na naman ng des-oras nang gabi kay summer." Himutok na tugon ni Emma. Minsan na rin ginagawa ng kaniyang kapatid na makipag-laro sa Aso at inaabot pa sila ng madaling araw. Mahal na mahal ng kapatid niya ang asong si Summer, dahil dito naka-limutan na nang kaniyang kapatid kong ano man ang nangyari sa basement.
Bumangon na sa kina-hihigaan si Emma at sinuot ang tsinelas. Balak niya itong puntahan sa silid ang kapatid para sabihan na huwag na makipag-laro at matulog na.
Binuksan ni Emma ang pintuan at sapat lamang na makita ang mukha niya sa maliit na siwang na pintuan na naka-bukas.
"Paul naman kasi e—-" hindi natuloy ni Emma ang sasabihin ng makita ko si Summer na patuloy na tumatahol.
Labis ang aking pag-tataka dahil naka-labas ito sa silid ni Paul.
"Summer?" Bulong ni Emma.
Naroon ito sa hallway at patuloy nitong pinag-tatahol si Mommy. Naka-suot ito ng puting bestida na mahaba at walang imik na pinapanuod ang aso na patuloy siyang pinag-tatahulan.
Labis na pag-tataka ni Emma dahil parang may mali.
Lumingon si Ester nang mapansin na may matang naka-masid sakaniya, kaya't minabuti ni Emma na tumago para hindi makita ng Mom.
Malakas ang kabog ng dibdib ng puso ni Emma na akala niya makikita siya ng Ina.
Hindi ko alam kong bakit ganun na lang kalakas ng kaniyang pintig ng puso.
Sinarhan niya muli ang pintuan. Pilit na bumalik si Emma sa pag-kakahiga at pinag patuloy ang naudlot na tulog.
Kina-umagahan maagang nagising si Emma. Naabutan niya naroon na si Auntie Flora at kagagaling lamang mula sa trabaho.
"Auntie, nakita niyo ba si Summer?"
"Hindi, diba kayo naman ang palaging mag kasama at mag katabi matulog?"
"Maaga akong naka-tulog kagabi kasi masakit ang pakiramdaman ko, hindi ko namalayan na naiwan kong naka-bukas ang pintuan ng silid ko. Mukhang nawawala siya Auntie, hindi ko po siya mahanap sa loob ng bahay." Bakas ng luha ang mata ng batang si Paul, takot na posibleng nawawala ang paborito niyang aso.
"Hanapin mo na lang dahil nariyan lang si Summer sa paligid." Patuloy na salita ni Flora. "Pag dating ko kanina, wala naman akong napansin na Summer. Hanapin mo na lang ulit muli sa bahay, for sure. Nandiyan lang siya."
"Samahan mo na ako Auntie. Hanapin natin si Summer." Iyan ang paulit-ulit na narinig ni Emma na kinakausap nito si Flora at hinihila ang damit nito.
"Hindi pwede Paul, marami pa akong dapat gawin. Mamaya na natin siya hahanapin."
"Gusto ko ngayon na. Hanapin natin siya Auntie, sige na po." Umiyak na ang batang si Paul, kaya't kailangan ni Flora na pag-bigyan ang bata. Sa kaniyang pag-iisip, nahagip ng mata ni Flora ang naka-tayo lamang si Emma sa tabi.
"Samahan mo na siya Emma mag hanap kay Summer. Mag luluto lang ako ng almusal natin."
"Sige po Auntie." Tugon naman ni Emma. "Halika na Paul, samahan na kitang mag hanap kay Summer."
"Sige na, sumama kana sa Ate mo." Pag papasunod ni Flora sa bata at pinunasan ang uhog nito bago lumapit sa kapatid.
Mag kasama ang mag kapatid nag hahanap kay Summer. Pinili ni Paul na mauna silang mag hanap sa labas nang bahay, dahil daw malakas ang kutob ng kaniyang kapatid na naroon lamang sa labas si Summer. Maari daw ito naka-labas kagabi.
"Summer!"
"Summer!"
Patuloy na sigaw ng batang si Paul ang pangalan ng kaniyang aso, sa kanilang neighborhood.
"Paul, bumalik na tayo sa loob okay? Hinanap na natin sa buong lugar pero hindi natin mahanap si Summer. Baka nandon lang siya sa bahay, hindi mo lang napansin." Sabat ni Emma at hindi pa rin talaga matinag ang kagustuhan ng bata na hanapin pa itong muli.
"Wala siya doon Ate. Ilang beses ko na siya hinanap kanina eh." Malungkot nitong salita at bakas na iiyak na naman muli. Nasa tapat na sila ngayon ng kanilang bahay. "Makikita natin si Summer Ate! Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita!" Determinado nitong saad at nauna na itong pumasok sa kanilang bakuran. Pinapanuod lamang ni Emma ang kapatid na hanapin muli sa kanilang pa likuran.
"Wala diyan si Summer, Paul." Pahabol na salita ni Emma sa kapatid ngunit hindi na siya pinansin.
Hindi pa man naka-ilang segundo na mapunta si Paul sa likuran–rinig ni Emma ang malakas na sigaw ng kaniyang kapatid kaya't mabilis siyang pumaroon para puntahan ito.
"Paul!" Hini-hinggal si Emma na lumapit at nakita naman kaagad ang kapatid na naka-tayo at may pinapanuod. "Bakit ka ba sumisigaw h—-" hindi na natapos ni Emma ang sasabihin sa nakaka-hindik na kaniyang nasaksihan.
Wala nang buhay si Summer.
Niyakap ni Emma ang kapatid at hindi pinaharap sa aso–na makita na wala nang buhay at wakwak ang lamang loob nito.
Maraming dugo ang nanuyo at mukhang ilang oras na itong patay.
"Ahh!" Patuloy na iyak ng batang si Paul, sa karumal-dumal na kaniyang nasaksihan. "Summer! Ate, si Summer!" Naiiyak na rin si Emma na makita na ganun na lang ang sinapit ng kanilang alaga.
Sa pag papatahan ni Emma sa kapatid, naagaw kaagad ang kaniyang atensyon na makita na naka-dungaw si Ester sa bintana–pinapanuod na patuloy na umiiyak ang kaniyang anak sa pag-kamatay ng aso nito.
May kong anong kilabot na naramdaman si Emma ng sandaling iyon, at umalis naman kaagad sa pag kadungaw si Ester sa bintana.
"Summer! Summer!" Patuloy na palahaw nang bata.
****
Pumasok na ang mga bata sa loob ng bahay. Kahit na rin si Flora nagulat at nasindak na ganun ang sinapit ng kanilang alaga. Hindi nila lubusang akalain na mamatay ito nang ganun kaaga. Pinalibing na lang ni Flora ang alagang aso sa kanilang bakuran sa tulong na malapit na kakilala ni Flora.
"Auntie, si summer po. Wala na s-siya." Inaalo ni Flora ang kanina pang umiiyak na si Paul sa sala. Hindi alam ni Flora kong paano patatahanin ito dahil napa-lapit na ang bata sa alaga nito.
"Tahan na, huwag kanang umiyak Paul. I'm so sorry." Hinaplos ni Flora ang buhok ng batang si Paul at sabay na yakap nang mahigpit sa Auntie nito.
Sumisinok pa ang bata sa sama ng loob at kanina pa ito umiiyak.
"Baka naman kasi hindi niyo nilolock ang pinto kagabi, kaya't nakalabas si Summer, Emma." Sita ni Flora sa bata.
"Naka-lock naman po Auntie, ang pinto kagabi kaya't imposible talaga na maka-labas siya." Depensa naman ni Emma. "Hindi nga namin siya pinapalabas nang bahay at baka mawala at masagasaan si Summer." Kahit na rin si Flora misteryoso pa din sakaniya kong paano naka-labas ang aso lalo't mahigpit niya inutos sa mga bata na huwag palalabasin ito na wala ang kanilang matyag.
"May alam ba sainyo kong sino ang huling naka-kita kay, Summer? Anyone?" Nag hahanap ng kasagutan si Flora sa kanilang lahat kasama na ang kapatid na kanina pa tahimik.
"Hindi ko nakita si Summer, ngayong umaga. Kagigising ko lang." Ester.
"And you Emma?" Flora.
Kagat labi si Emma. Bumalik sa kaniyang aalala na nakita niya si Summer bago ito namatay. "Nakita ko po si Summer kagabi." Panimula ni Emma, na kina-baling naman ng tingin ni Ester sa kaniyang anak. May pag-aalinlangan pang sabihin sa kanilang lahat ang kaniyang nakita at natakot rin ang batang si Emma dahil puno ng lamlam ako tinignan ni Mommy. "Bigla kasi akong nagising kagabi, na tumatahol si Summer, kaya't p-pag bukas ko nang pinto. Nakita ko si Summer na tinatahulan niya si M-Mommy." Hirap na saad ni Emma–kaya't biglang tumalim ang mata ni Ester sa narinig.
"Oh Ate, ikaw pala ang huling naka-kita kay Summer." Flora.
"Iyon ba?" Casual na saad ni Ester. "Oo, nakita ko nga si Summee kagabi ngunit pumanhik naman ako kaagad sa aking silid pag-katapos..Hindi nga ako lumalapit doon sa aso dahil palagi niya akong tinatahulan." Tumango na lang si Flora sa naging sagot ng kapatid.
"Auntie, ayaw ko po. Gusto ko si Summer." Patuloy na iyak ng batang si Paul kaya't nag salita si Ester.
"Huwag kanang umiyak Paul, ibibili na lang kita nang bagong dog, okay?" Ngumiti na lang ng malawak si Ester na kina-tigil naman ng batang si Paul.
Ngiti na nakaka-kilabot.
Nag lakad na si Ester palabas nang living area at pakanta-kanta pa ito–na masayang wala ng aso na hahadlang pa sakaniya.