Chapter 6
Sabina POV
"Look Marco! 5:00 pm na and I think we should go back to Manila at this hour!!" Sabi ko sa kanya.
Ang daming papeles ang kelangan namin pag-aralan at ayusin paano namin matatapos 'yon ngayon agad. Uuwi pa kaming dalawa.
"We need to stay overnight,"
"WHAT?" Nasisiraan ba s'ya? "Are you out of your mind Marco?"
"No. Kung gusto mong maresulba ang problema natin maki-cooperate ka!"
"But staying overnight?? Kaya naman natin tapusin yan ah!!" Well matatapos kung hindi kami mag aaway na dalawa baka matapos namin to.
"Your not getting the point! We need to know what really is the problem here in the hotel by staying here and knowing why our customers are not satisfied!"
"Do we need to do this? You cancel my important appointment and then your telling me na Hindi tayo makakauwi?! I have a lot of things to do!!" I need to see my twins and be with them especially for tomorrow. Pupunta pa ko kina Keith.
"You can go if you want! But don't expect na hindi ito makakarating sa board or even to your father! That Ms. Sabina Perez is irresponsible!"
"Alam mo kanina pa ko naiinis sayo! Ano ba ipinaglalaban mo!? Huh?" inis na inis na sabi ko. Wala s'yang alam sa mga dahilan ko kaya wala syang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan.
Nakakainis s'ya ang dami ko pang gagawin and yet ganito. Okay, OA na Kung OA pero Sunday bukas nakapangako ako kina Tricia na pupunta ko sa kanila ng afternoon plus my twins kailangan kong bumawi.
"I'm giving you a choice Sabina. You leave or you stay?" Walangya talaga s'ya.
"Fine, I'll stay!" Sabi ko saka lumabas ng conference room sakto naman na nakasalubong ko si Ivan na bitbit ang isang damukal na papeles na hinihingi ng walangya!
"Can I have the half of it and bring the rest to Mr. Sandoval" Sabi ko "Yes Mam and also same office po pala kayo no Mr. Sandoval Mam" did I hear it right?
"Pardon? Can you repeat what you say a while ago!?"
"Same office po kayo ni Mr. Sandoval."
"Why?!"
"Naging stock room po kasi Mam ung isang office dati po kasi nung nagpupunta pa si Mr. Perez dito nagagamit po 'yon pero ngayon po hindi na kaya sabi na rin po ng Father n'yo na gawing stockroom na lang. Hindi naman po kami nasabihan na dadating po kayo. Late na po nasabi ni Mr. Sandoval (Tatay ni Marco) na pupunta kayo rito. We call Mr. Perez regarding po sa office and also Mr.Sandoval sabi po nilang Dalawa na share na Lang po kayo ni Sir Marco"
Fuck! "Fine. Bring that papers to the office" Sabi ko na lang. Agad naman syang sumunod at dinala ung mga papeles sa opisina.
Ayoko ngang makita pag mumuka nung walangya na yon tapos share pa kami ng office. Lumabas naman si Marco galing sa conference room.
"Why are you still standing there Sabina! Wala ka bang Balak na mag trabaho o nag bago isip mo at uuwi ka na Lang?"
"Ewan ko sayo." Sabi ko saka pumasok sa opisina. Buti naman Dalawa ang table and chairs. Sumunod naman samin si Ivan.
"Ivan is this all?"
"Yes sir."
"Ivan after this you can go home" Sabi ko Kawawa naman kasi ung Tao eh kanina pa inuutusan saka late na din.
"Before you leave Ivan can you please tell to Mr. Santos that we need a two rooms to stay and leave the card key to the receptionist" utos n'ya.
"Yes Sir" Sabi n'ya saka umalis.
Hindi ko na sya pinansin at nagsimula na ko sa pagbabasa ng mga papeles na hawak ko nang biglang nag ring ung cellphone ko.
Tricia calling
"Hello" sagot ko sa tawag.
"Sabbbbb!!! Don't forget the event tomorrow!" Nakakabinging sabi n'ya kaya nilayo ko ng bahagya ung cellphone ko "Oo. Grabe 'yang boses mo nakakabingi," Wagas kung makasigaw para naman hindi s'ya naririnig. "Whatever., Basta tomorrow 5 o'clock dapat nandito ka"
"Okay sige I'll try na maka-abot ng 5pm"
"Why? Sunday naman bukas I know na wala kang work"
"Asa Laguna ako. Tomorrow pa ang balik ko and Hindi ko alam Kung anong oras ang alis namin dito"
"Teka teka NAMIN?? Who's with you?"
"None of your business my dearest friend"
"Naku ah ikaw! After a long long years mukang may love life ka na ulit ayieeee." tukso nya.
"Magtigil ka nga pag ako Hindi pumunta sinasabi ko sayo! Bye na"
"Sira! Basta see you tomorrow isama mo na din yang kasama mo dyan para you know makilala namin s'ya saka may nabalitaan ako kay Raven andito na pala si Marco. Kaya isama mo 'yang kasama mo ngayon para naman maipamuka mo kay Marco na eto ang iniwan n'ya. Sige na BYEE!"
Well s'ya ung kasama ko ngayon kung alam lang n'ya.
Pinatay ko na agad ung Tawag. Hindi ko sinasadyang mapatingin Kay Marco na nakatingin din pala sakin Kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Awkward.
"Nabasa mo na ba ung financial statements last two months?"
"Hindi pa pero 'yon na ung susunod Kong babasahin Bakit?"
"Napansin ko lang kasi na ung costing ng ibang supplies and materials parang tinitipid"
"Teka. I'll check the FS." Sabi ko saka tiningnan ung financial statements may mga nagbago nga sa supplies.
"May ilang changes tingnan mo" tumayo ako at inabot sa kanya ung papel. "Kung ikukumpara mo ung sa supplies ng first month ang laki Nya tapos pag dating ng second month agad syang bumagsak ng 10%" sabi ko sa kanya.
"I agree. Bakit Hindi yan napansin?" He asked "I don't know. I think kailangan na talagang mag padala tayo ng mga employees galing main papunta dito."
"Take a look at the feedback posted on our page"
Lumapit ako sa may laptop n'ya at isa-isa kong binasa ang mga naka post do'n at hindi ko nagustuhan. Ang laki na nga talaga ng problema.
"We need to take a serious action about this." Sabi ko sakto naman na lumingon s'ya sakin kaya sobrang lapit lang namin sa isa't isa. Naamoy ko pa ang hininga n'ya. Wala ni isa man samin ang nag sasalita nakatitig lang kami sa isa't isa. Masasabi ko na hindi pa rin nagbabago ung impact ng mga mata n'ya sakin nakaka-hypnotized pa din sya. Ung tipong kahit gusto mong mag iwas ng tingin Hindi ko magawa lalo na pag malapit kami sa isa't isa.
'Kringggg'
Shit. Bigla kaming nag-iwas ng tingin sa isa't isa ng May tumawag sa kanya.
Super awkward talaga. Lumayo ako at bumalik sa table ko.
"Hello" narinig kong sagot n'ya "Okay sige. Don't worry I will be back tomorrow." Buti naman babalik na kami bukas "Yeah, Don't worry. Okay, I miss you too!" Natatawang sabi n'ya pero alam mo ung boses na may halong lambing habang sinasabi n'ya 'yon.
Ang sakit ah. Nakahanap na pala talaga sya ng kapalit. Sabay nga naman Sab anim na taon na ang nakalipas Ano pa ba ang aasahan ko.
Aminin ko man o Hindi umaasa ko na Baka may chance pa. Pero tanga na Lang siguro ko para umasa pa ng ganon kasi simula pa Lang naman wala na syang nararamdaman sakin. Oo nga kinasal Kami, naging Asawa Nya ko pero Hindi naman ako ang mahal n'ya.