*** "Inay..." hindi mapigilan ni Paisley ang mapahagulhol habang mahigpit na nakayakap sa ina. Sa inang akala niya ay tuluyan nang mawawala sa katinuan. At hindi na siya makikilala at mayakap katulad ngayon. She missed this. Her hug, her voice. Ang pag-aalaga nito sa kanya. Everything about her mother's touched. She missed it. Kaya naman halos ayaw niyang bumitaw sa mahigpit na pagkakayakap rito. Natatakot siya. Baka sakaling sa pagbitaw niya ay hindi na naman siya nito makausap. "Inay..." sa pamamagitan ng hikbi ay muling anas niya. Na-miss niya ang pagtawag dito ng inay. Dahil tulad noon, gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nasa tabi niya ang ina sa tuwing may mabigat siyang nararamdaman. "Paisley... anak!" Puno ng kasiyahan ang boses na sagot ni Mrs. Bristow, her mother. Ginanti