The Extraction *** “Father?” ulit ni Paisley sa sinabi. Kaagad itong pinigilan ni Hervey nang akma itong tatayo mula sa pinagkakataguan. “Baby, stop! Hindi ka puwedeng basta na lang sumugod. Let's wait,” aniya. Matinding pagpigil ang ginawa niya upang hindi ito gumawa ng anumang ingay. Niyakap niya ito mula sa likuran at tinakpan ng kamay ang bibig. Saka lamang ito kumalma at naluluhang tumingin sa kinaroroonan ng ama nito. Tahimik na bumuga ng hngin si Hervey. Para siyang nabunotan ng tinik nang tuluyang kumalma ang asawa. Saka niya idinako ang tingin sa bukana ng kuweba. Tama si Kraven. His wife's father, his very own father in-law was standing on the entrance. Hindi sila nagkakamali. Ito nga ang ama ng asawa. Tumanda man ito ng labis, hindi naman nagbago ang hitsura nito. Kaya na