*** Mabibilis ang bawat hakbang ni Hervey pagkalabas ng operating room upang agad na sundan si Paisley. Kailangan niya itong makausap ng maayos at ipaliwanag dito ang sitwasyon. F*ck this! What the heck is this bomb! naiinis na mura ni Hervey sa sarili. Lakad-takbo amg ginawa niya habang hinahabol ang dalaga. Ang buong akala niya ay magiging okay na ang lahat. Na magiging maayos na ang lagay ni Paisley dahil na deactivate na ang bomba. Pero doon pala siya nagkakamali. Hindi pa nagtatapos sa pagde-deactivate ng bomba ang lahat. Kaagad namang naabutan ni Hervey si Paisley na hindi pa nakakalayo, sa hallway papuntang secret exit. "Paisley, wait!" pagpigil niya sa dalaga. Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa. Nang makalapit ay agad niya itong niyakap ng mahigpit pero puno ng pagmamahal.