*** Nagising si Paisley nang maramdaman ang unti-unting pagbaba ng sinasakyang helicopter. Pagmulat niya ng mata ay ang gwapong mukha ni Hervey ang nakatunghay sa kanya. Ngumiti ito nang makitang gising na siya bago siya hinalikan sa noo at tinanong, “You okay?” Pinisil niya ang palad ng binata na nakahawak pa rin sa kanya. She smiled softly and answered, “Mn...” Ilang sandali ang lumipas ay maayos silang nakalapag sa hellipad ng isang building. Na siyang tanging naiilawan. At mabibilis ang kanilang kilos na bumaba ng sasakyan. Tinulungan siya ni Rick na alalayan si Hervey na ngayon ay hindi na nagawang magreklamo. Marahil ay nanghihina na rin ito dahil sa tamang natamo. Samantalang sina Austin at Tyler ay si Dylan ang inasikaso na katulad ni Hervey ay nanghihina na rin dahil sa dami