NANG mapahikbi si Annie ay mas lalong hinigpitan nila ang hawak dito. Annie may be hard on the outside but she was soft in the inside. Softer than everyone imagines. Hindi basta-basta ang pinagdaanan nito noong naninirahan ito sa Senara. Makikita ito ng lahat na matatag at parang hindi natitinag pero katunayan ay tao rin ito at may hinanakit na dinadamdam. All must remember that Royals are human, too.
Nang marinig ang pagtunog ng doorbell ay hindi sila natinag sa mahigpit na yakap. They keep comforting Annie until she stop sobbing.
“Oh, we need to stop this. Zacharias is here to get Madison now,” ani Annie at kumawala sa pagkakayakap. “Tama na ang drama. Kailangan ng umalis ni Madison.”
“Are you both really going to be okay if I leave?” nag-aalalang tanong ni Madison sa mga kaibigan.
“Madison, what are we? Kids?” sarkastikong tanong ni Sabrina. “Of course, we are going to be okay.”
“Sabrina's right. Take your vacation and we will take ours. Don't worry about the clinic, I got it,” pagtitiyak ni Annie at tinapik ang kanyang balikat. “Go make Wyatt fall for you, Madison. Good luck.”
Desididong napatango si Madison bago tinanggap ang maleta na inilahad ni Sabrina. “I will definitely do that! Nakailang-dasal na rin ako. Sana nga bumigay na si Wyatt.”
“Huwag magpakasugapa. Mahirap magpedal ng wheelchair sa buhangin, sige ka...” singkit ang mga mata na tudyo ni Sabrina bago dumampi ng halik sa kanyang pisngi. “Enjoy your vacation, Madi. You look gorgeous in your maxi dress by the way. Zacharias and Wyatt will definitely swoon.”
Namula ang mga mukha ni Madison na nagpaalam siya sa mga kaibigan. Pagkatapos ay pinagbuksan niya si Zacharias na napakaguwapo tingnan sa beach outfit nito na tinernuhan ng aviator sunglasses. Zacharias never fail to astonished her with his curly hair. Mailap lang ang mga lalaki na bumabagay sa mahabang buhok ngunit kulot. Zacharias definitely rock with the hairstyle.
“You looked beautiful,” bungad nito na nagpangiti sa kanya nang maluwag.
”You're not so bad yourself, Zach,” tugon ni Madison.
Zacharias bend down and kissed her cheek. “I’m so glad that you will come. It would mean so much to Shania and Isaac.”
“Of course,” sagot ni Madison at sinipat ang sasakyan nito na nakaparada malapit sa kanyang garage. “Let's go?”
“Okay,” sagot ni Zacharias at tinulungan siya sa kanyang maleta.
“I still have my villa on the resort, right?” biro niya para mabasag ang katahimikan na namuo sa pagitan nila.
“Oo naman. Sa iyo lang iyon panghabang-buhay, aking prinsesa,” ani Zacharias para mapahalakhak siya bago mapagbuksan ng pinto ng AVC Roadster.
Bandang alas-otso sila nakarating sa private airport na pagmamay-ari ni Cooper. Ang unang nahagip ng kanyang mga mata ay si Wyatt na nakapamulsa habang mariing nakatingin sa kanyang gawi. Nang umakbay si Zacharias sa kanya ay hinayaan niya lamang ang binata. Iginaya siya nito palapit sa eruplano habang dala ang kanilang mga gamit. Madison smiled at Wyatt and he looked away suavely in return like she didn't exist. Dire-diretso itong pumasok sa loob ng eruplano kaya napasunod na lamang ang tingin niya dito. Kung hindi lamang niya alam na walang gusto sa kanya si Wyatt ay iisipin niyang nagseselos ito. Marahil hindi maganda ang ang naging gising nito kaya ganoon na lamang ang ikinilos nito. She does that whenever she's not in the mood. However, Wyatt withdrawing his eyes from her is the first and she can’t help but to wonder.
Nang magbawi ng mga mata mula sa pinto ng eruplano ay nakita niya si Kayden na nakatingin sa kanya kaya hindi niya na naiwasan ang magtaka. “What, Kayden? Why are you looking at me like that?”
“Nothing, Madi,” sagot ni Kayden at sumunod na kay Wyatt sa loob ng eruplano.
THAT should be him.
Iyon ang unang pumasok sa utak ni Wyatt nang makita ang inaalon-alon na buhok ni Madison habang nasa tabi nito ni Zacharias sa sasakyan. The view of Madison is pleasing enough for him but with Zacharias in it, he made it f*****g look like abominable. Very unpleasant to the eyes.
“Easy there, cowboy,” wika ni Kayden para mapatingin siya dito. “Try to act cool, will you? Masyado kang halata. Don’t act like Zacharias already won.”
Kunot-noong tiningnan niya lamang ito bilang tugon.
”Yes, I am on your side. I want to stop Zacharias with his unending love for Madison because he will get hurt in the end. I’m just being a good friend for the both of you,” sagot ni Kayden para mapakurap-kurap na lamang siya sa kinatatayuan bago ipinako ang mga mata sa napakaganda na si Madison habang nasa bisig ni Zacharias.
“God, I really want to break that hand,” bulong ni Wyatt habang nakatitig sa kamay ni Zacharias na nasa balikat ni Madison. “Pigilan mo ako, Gonzales. Tang-ina, kapag lumapit iyang si Alvarez sa akin, babangasan ko ‘yan.”
“Just get inside the airplane to erase that thought, fucker,” payo ni Kayden at pumalatak. “Tang-ina, huwag ka maghanap ng gulo. Anniversary ngayon ni Isaac. Hindi naman sa dapat matakot tayo kay Isaac. Sa asawa niya na si Shania tayo dapat matakot.”
Nang makalapit sina Madison ay ganoon na lamang nag-igtingan ang mga panga ni Wyatt bago nakatanggap ng matamis na ngiti kay Madison na mas lalong nagpakulo sa kanyang dugo dahil hindi niya ito mahagkan at masalubong nang mahigpit na yakap gaya ng nakagawian nila sa tuwing bumibisita ito sa kanyang bahay tuwing gabi. He knew how much that smile affected him. Iyon ang nakapagpahulog sa loob niya sa kaibigan.
Naikuyom ni Wyatt ang mga kamay bago pumasok sa eruplano gaya ng payo ni Kayden. Agad na sumunod naman si Kayden na may mga ngiti sa labi bago tumabi sa kanya.
“Why are you smiling like an idiot, fucker?” tanong ni Wyatt.
“Hindi ba sabi mo na wala ng gusto sa iyo si Madison?” balik-tanong ni Kayden para mas lalong kumunot ang kanyang noo. “Siya ba nagsabi no’n?
“Yeah, what about it?” tanong ni Wyatt.
“She's lying. The way she looked at you never changes, Hernandez,” sagot ni Kayden habang nakangisi. “Madison still likes you. I’m sure of it. Ipupusta ko ang El Trago branch ko sa Cavite kapag mali ako.”
Nang lumagpas si Madison upang tumungo sa banyo ay agad na naisip niya ang pagsunod. Ngunit, ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang pigilan siya ni Kayden at pinanatili siya sa pag-upo.
“Don’t ever think about it,” wika ni ni Kayden para kunot-noong mapatingin siya dito. “I know for the fact that is an invite, but you must stop yourself, Hernandez. Alvarez is looking this way and following Madison will break him down for sure. Kaibigan ko kayong dalawa at ayoko may nasasaktan sa inyo.”
Napasipat si Wyatt kay Zacharias na ngayon ay nakatingin sa kanyang gawi bago tumingin kay Kayden at hinawi ang kamay nito na nasa kanyang balikat. “Fine. But only this time, Gonzales. Next time, don't stop me...” Sumipat siya kay Zacharias na patuloy na nagbabadyang nakatingin sa kanya. “This is a competition after all.”
He will make sure that he will not lose. Not this time.