MULING tumingin si Madison sa tarangkahan bago pumasok pabalik sa kanyang silid at tumungo sa kusina. Nadatnan niya si Zacharias na tahimik lamang na kumakain sa mesa. Umupo siya sa harap nito at nagsandok ng kanin. Nang makita na kaunti lamang ang kinain ni Zacharias ay sinandukan niya ito ng panibagong kanin. “You should eat more, Zach. You're getting thinner,” nag-aalalang wika ni Madison at kumuha ng tatlong pirasong bacon.“And Manang Telma cook bacon for you, it’s your favorite.” Malungkot na umismid si Zacharias. “Wala akong gana.” “Cone on, Zach,” wila ni Madison at hinawakan ito sa kamay. “You can’t keep doing this.” Hindi sumagot si Zacharias at tumitig lamang sa pagkain. Hindi niya na kailangan na magtanong kung bakit bigla na lamang itong nawalan ng gana sa maraming bagay. I

