LIMANG araw ang nakalipas mula nang makatanggap si Wyatt ng mensahe galing sa kasintahan na hayaan na muna niyang kausapin ang magulang nito sa planong pagpapakasal kay Zacharias. Pinilit niyang huwag magnais sa oresenta nito dahil naiintindihan niya ang kalagayn ni Madison pero hindi niya matiis na naisin itong makasama. Five days have been hell to him. Not seeing Madison is like holding a rose full of thorns. Nasanay na siya sa tuwing umuuwi mula sa pag-ensayo na ito ang nakikita. Nasanay siya na katabi itong matulog sa gabi at magigising sa umaga na ito ang masisilayan mula pagmulat ng kanyang mga mata. Nasanay siya na laging nasa tabi ni Madison kapag hinahatid siya nito sa training camp dahil hindi niya alam ang daan. Without Madison, he felt incomplete. Mahal na mahal niya ito at hi

