GULAT na napatingin sa kanya si Wyatt. Para bang natauhan ito sa mga sinabi para lumambot ang reaksyon nito mula sa matigas at puno ng hinanakit. “M-Madi...” ani Wyatt para dismayado na mapailing-iling siya dito. Nang lumapit ito ay pinigilan niya ito sa pagtaas ng kamay. “Stay. Please, I don't know what I would do to you if ever you step closer.” Huminga nang malalim si Wyatt at marahas na napapikit. “Madison, I was just... I was just—” “I was there because of you, you enormously piece of s**t! Kasi kahit wala ka sa choices, ikaw ang pinili ko. Ikaw ang pinili ko katulad ng ginawa ko dati! Putang-ina, Wyatt. ang sakit mong magsalita,” wika ni Madison at hindi na napigilan ang pagluha. “Sa iyo ko ibinigay ang puri ko dahil mahal kita. Sa anim na taon na lumipas na wala ka sa tabi ko, p

