HINAGOD ni Madison ang likod ni Zacharias habang nakatingin ito sa puntod ng ama at ina. Nang magsimula na itong humikbi ay iginiya nito sa mahigpit na yakap. Ipinatong ni Zacharias ang ulo sa kanyang balikat bago siya tumugon sa yakap. “They’re not coming back to me, Madi...” wika ni Zacharias sa pagitan ng paghagulhol at napaluha siya sa mga sinabi nito. “I’m not going to see them again. I can’t hug them again. I c-can’t... I can’t hold them again. My worst nightmare has happened, Madi. They’re not coming back.” Wala maisual na kataga si Madison dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin sa kasalukuyan. Hinayaan niya lamang itong humihikbi habang ang mga kaibigan nito ay nasa likod lamang tahimik at nakatanaw sa kanila. Sabrina and Annie is gazing at them from afar. When she smiled at

