HALOS matawa si Madison nang hindi makapaniwala na itinuro ni Wyatt ang pinaglabasan na pinto ni Zacharias. Bumakas ang pagka-engganyo at pagkaginhawa sa mukha nito bago ito tumingin sa kanya gamit ang mga mata na tila hindi pa rin makapaniwala. Wyatt's eyes was shining with joy. “R-Really?” ang tanging naiusal nito, halata pa rin na nabigla sa natuklasan. Tumango si Madison bilang tugon at ibinuka niya ang mga braso para sa pag-alok ng yakap. “Come here... give your girlfriend a hug.” Wyatt smiled and ran towards her. Sinalubong siya nito nang mahigpit na yakap at pinaikot-ikot siya sa ere marahil sa sobrang tuwa. “I'm so happy right now, I want to jump off the roof! We... oh my god, babe! We can finally be together... panaganip ko lang ito kagabi.” Napahalakhak si Madison at hindi na

