One year later... TULALA si Madison habang hawak niya ang tiyan, lumuluha dahil naalala niyang muli ang pagkawala ng anak nila ni Wyatt. Kahit anong gawin niyang pagpapasaya sa sarili ay hindi niya magawa. Naapektuhan pa rin siya sa pagkawala ng kanilang anak at dahil iyon sa kanya. Kung hindi lamang siya nagpadalos-dalos ay hindi iyon mangyayari. Oo, inaamin niya na naging desperada siya na makamit ang masayang katapusan para sa kanila ni Wyatt, para matakasan ang responsibilidad bilang anak ng conglomerate business man na isa sa pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas, subalit ang pagtangka na gawin iyon ay may kabayaran. Maybe she wasn't the woman for Wyatt and that maybe it will be better if they were off with each other, just like what they are now for a year and three months. Tumin

