Special Chapter 1 Lumipas ang napakaraming taon. "Oy pre! Tara laro ng basketball !" aya ng mga barkada kay Azrael na nililigpit ang mga gamit. "Pass muna ako mga pre susunduin ko pa ang kakambal ko. " tanggi ni Azrael bago tinapik ang balikat ng nga tropa. "Gosh ang gwapo ni Azrael!" "May girlfriend na kaya? " "Pano naman mag kaka girlfriend yan laging na kabuntot sa kakambal. " "Wag ka nga ganyan, asset kaya yan ng boys hihi." Habang naglalakad sinuot ni Azrael ang headset para hindi marinig ang usapan ng mga kaklase niya. Pababa na siya ng hagdan papunta sa palapag kung saan ang classroom ng kakambal niya ng mapatigil ito ng makakitang nagkakagulo ang mga estudyante sa loob. "Renz! Bitawan mo si Vladimir! " Naiyukom ni Azrael ang kamao ng makita niya ang mga taong nambubul