Chapter2

806 Words
Chapter 2 Gwen's POV: "Ma'am Gwen wag na kayong umiyak, baka makasama yan sa baby niyo."pagpapatahan sakin ni Eunice bago ako binigyan ng tubig. "Di ko alam kung pano ko bubuhayin ang bata na nasa sinapupunan ko. Bat kasi ang tanga ko?" ani ko habang umiiyak. "Ma'am Gwen andyan na yung bata, blessing yan! Kung tutuusin may baby kana, matatanggap din siguro yun nina Madam, sa ngayon yung baby mo po ang asikasuhin niyo at ang kalusugan mo. Don't worry Ma'am tutulungan ko kayo." napatingin ako ng sabihin yun ni Eunice. Nakakahiya kung sino pa ang kapos siya pa ang taong nais tumulong sa kapwa. "Maraming salamat Eunice, kung wala ka di ko alam kung san na kami napadpad ng anak ko." "Ako dapat ang magpasalamat sainyo Ma'am. Ang dami niyo ng naitulong samin papabayaan ko ba naman kayo? Nung nandun ako sa mansyon lagi niyo akong pinagtatanggol sa pagmamaltrato nina Madam, pinagamot niyo ang kapatid ko kaya hayaan niyo po na ako naman po ang tutulong sainyo." ani ni Eunice bago ko siya niyakap na kinagulat niya. "Salamat salamat." "Shh Ma'am wag ka ng umiyak makakasama yan sa baby niyo." tumango ako at humiwalay. Pinunasan ko ang luha ko, napatingin kami sa pinto ng may kumatok hanggang sa bumukas yun. Nanlaki ang mata ko ng makita ko sina Hannah at Yuri isa sa mga batang katulong namin sa mansyon. "Ma'am Gwen." lumapit sila at ngumiti bago may inabot silang sobre. "Konting tulong yan galing saaming lahat sa mansyon, yung iba di makapunta dahil duty pa sila, pati sina Butler Ronald pero dadaldalawin ka daw nila dito tulong po yan para sa panganganak niyo. Para sa baby di pa kasi namin swel----" "Salamat!!"niyakap ko sila ng mahigpit na mas kinaiyak ko , maya maya'y naramdaman kong niyakap din nila ako. Hindi ko ineexpect na tutulungan nila ako sila pa na mas doble ang naranasang paghihirap sakin. "Ma'am kung kailangan mo ng tulong wag kang mahihiyang lumapit samin---kaming tatlo nina Eunice ang tutulong sainyo para sa pagpapalaki sa baby niyo, di ka namin pababayaan dahil malaki ang utang na loob namin sayo." naiiyak na sambit ni Hanna. Dahil sa mukhang sensitive talaga anv mga buntis nagsisimula nanaman ako umiyak dahil sa tuwa, napakaswerte pa din namin ng baby ko. May mga taong katulad pa din nila na handang tumulong samin. "Hindi ko alam kung pano ako magpapasalamat sainyo,  hindi ko talaga akalain na kayo pa ang tutulong sakin at maari ba Gwen na lang itawag niyo sakin hindi niyo na ako Ma'am dahil wala na ako sa mansyon " ani ko na kinasang ayunan nila. "Kung yan ang gusto niyo ma'am--- I mean Gwen." "Sorry G-Gwen nasanay kasi kami." natawa ako ng medyo nautal pa sila at alanganin akong tinawag na Gwen. Kahit papaano maswerte pa din ako dahil andiyan sila. May mga katulad pa din nila. Third Ymir's POV: Nakatayo ako dito sa veranda habang inienjoy ang view dito sa itaas kung saan nakikita ko ang napakalaking swimming pool ng resthouse. Snindihan ko ang sigarilyo ko bago bahagyang tumango sa mga hubad na babae na nagkalat sa swimming pool area,  na nang aakit na kumaway sa pwesto ko. "Darn." inis na sambit ko at napahawak sa railing ng maalala ko nanaman ang babaeng yun. "Senyorito Ymir tumatawag po si Sir Ace importante daw po." ani ng isa sa mga tauhan ko bago inabot sakin ang telepono. ["Mr. Fuentes nahanap ko na yung babae, last week nagpacheck up siya sa isa sa mga hospital na pagmamay-ari ng mga Cortez,  Anyway her name is Althea Gwen Cortez, 22 years old. Nakatira siya ngayon sa isang Squater Area."] "Squater area? Cortez siya diba? Tama ba yang nakuha mong impormasyon ha?! Gandellion!" irita kong tanong sakanya. Isa ako sa shareholders ng mga Cortez at masasabi kong isa sila sa mayayaman dito sa pilipinas. ["Sigurado Ako Mr. Fuentes---"] "Ibigay mo sakin ang exact address." papatayin ko na ang tawag ng---. ["Ah teka Mr. Fuentes, yung babae pala isang buwan na buntis nalaman ko kay Mr. Anderson, ahmm baka interesado ka lang." ] matapos ko patayin ang tawag napamura ako sa isipan ko ng parang sirang plaka nagplay sa utak ko ang info na nakuha ni Gandellion. 'Damn it! Hindi kaya? Sh*t last month lang nung may nangyari samin. Malaki ang posibillity na anak ko yun!  Ininom ko ang wine na nasa baso ko. "Hindi, baka sa ibang lalaki yung bata. Baka nagkataon lang." napahigpit ako ng hawak sa hawak kong baso, Kung sa ibang lalaki nga 'yun, papatayin ko ang lalaking yun para mapunta sakin si Gwen. Pero malaki pa din ang possibility na akin ang batang yun dahil halos isang buwan na din matapos ang nangyaring yun. Magpapaimbestiga ako at kung saakin nga ang batang yun mas maganda dahil pareho ko silang kukunin. 'Paano kung hindi?' "Kukuhanin ko ang responsibilidad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD