Chapter29 Ace Pov Nang makapasok kami sa mansyon nakita ko si Gwen na kalalabas lang ng kusina habang si Third nakaupo sa sofa at buhat si Azrael na may hawak na ipad na nakaupo sa mga hita niya. "Third gusto ka namin makausap. " ani ko na kinatingin ni Third samin. Kita niya ang pagtatakha pero agad din yun nawala at tiningnan ang dalawang bata sa sala. "Dito muna kayo babalik din ako. " ani Third bago tumayo ng tumabi si Azrael sa kakambal niya na kumakain. Nauna na kami sa garden at ramdaman namin na nakasunod na si Third kaya ng makapasok kami sa garden nakapamulsahang hinarap ko siya. "Hindi ko kayo kilala pero pakiramdam ko kilala ko na kayo dati pa." panimula nito na may mababang boses. Pakiramdam ko tuloy hindi na siya yung taong nakasama namin ng ilang taon dahil ibang ib