02

1786 Words
Chapter 2 3rd Person's POV; "Grim gusto ka mainterview ng mga press sa l-labas." Pagmulat ng mata ng binata mula sa pagkakasandal sa sofa tila napako sa kinatatayuan si Gaizer ng magtama ang mata nilang dalawa. "Wala ako sa mood magpa-interview ngayon sabihin mo kay Apollo." Bored na sambit ng lalaki bago tumayo at dinampot ang beer na nasa lamesa. "Pero sabi ni Apollo kailangan mong---." "Kung anong sinabi ko Marshall yun ang susundin mo." Malamig na putol ng binata na kinayuko bahagya ni Gaizer bago tumalikod at naglakad palabas. "Tuwing pipikit na lang ang mata ko siya na lang ang palaging nakikita ko, bwisit." Iritang sambit ng binata bago naglakad palapit sa glasswall ng inaakupahang studio at ininom ang hawak na alak. -- "Anong nangyari manager sininghalan ka nanaman ba ni Vergara?" Napatingin si Gaizer sa binatang tumabi sa kinauupuan niyang bench sa loob ng mini garden ng studio. "Sanay nanaman ako laging pinagagalitan." Kalmadong sambit ng lalaki habang nakakulong sa mga palad niya ang kape na tinimpla para sa sarili. "Hindi ko pa din maiwasang mag-alala manager naawa na ako sayo, lagi kang pinahihirapan ni Grim na hindi naman dapat kasi---." "Keehan pinag-usapan na natin ito diba? Hindi mo na bubuksan ang topic na yan." Kalmadong sambit ni Gaizer na kinabuga ng hangin ni Keehan. "Pag nalaman yun ni Grim siguradong mapapatawad ka niya." Malungkot na sambit ni Keehan na kinangiti ng lalaki. "Ayos lang naman yun ang mahalaga nakikita ko siya at magkasama kaming dalawa." "Pero manager sumusobra na si Grim." Nalulungkot na sambit ni Keehan dahilan para mawala ang ngiti sa mukha ng lalaki "Naiintindihan ko naman bakit siya nagkakaganun." Bulong ni Gaizer bago yumuko at tiningnan ang kape na hawak. "Dapat lang ito sakin dahil hindi ko siya pinaniwalaan at pinaalis ko siya sa bahay kahit alam kong wala siyang mapupuntahan." Puno ng pait na sambit ni Gaizer. "Lagi ko pang sinasabi na naiintindihan ko siya pero ako pa pala ang paulit-ulit humuhusga sakanya." Gaizer Marshall's POV; "Papa binilhan kita ng bulaklak nagustuhan mo ba?" Tanong ni Grim matapos ako abutan ng bulaklak. "Anak hindi ako babae at dapat ang binibigyan mo nan yung taong gusto at nililigawan mo." Ani ko kay Grim matapos tingnan ang bulaklak na binaba niya lang sa lamesa. "Wala akong gusto papa, pero mahal meron at ikaw yun." "Grim napag-usapan na natin ito diba? Tigilan mo na ang kahibangang ito anak." Kalmadong sambit ko para maiwasang masaktan ang feelings niya na--- alam kong imposible dahil nakikita ko na yun sa mga mata niya ngayon. "Mahal kita papa at para sakin hindi yun kahibangan." Ani ni Grim na kinagat labi ko. "Hindi mo ako naiintindihan Grim, tatay mo ako at hindi ako ang taong dapat pag-interesan mo." "Hindi mo din ako naiintindihan papa dahil hindi ikaw ang nakakaramdam nito, hindi ikaw ang nagmamahal dito." Ani ng Grim bago tumalikod at naglakad palabas dala ang bag. "Grim." Bulong ko. -- "Pasensya na po Ma'am hayaan niyo po mamaya kakausapin ko si Grim." Ani ko sa teacher matapos tumawag kinagabihan dahil sa kalokohang ginawa nanaman ni Grim. "Hindi ko alam kung anong pagkakamali ko para lumaki ng ganito si Grim." Bulong ko bago binaba ang tawag. 'Sa loob ng isang buwan ilang subject teacher ang tumatawag sakin dahil sa pakikipag-away ni Grim sa campus at pag-wawala nito na malayo sa ugaling pinakikita niya dito sa bahay.' "Saan ka pupunta?" Tanong ko ng marinig ko ang mga yabag ni Grim pababa ng hagdan. Kahit hindi ako lumingon alam kong huminto siya sa likuran ko at nakatingin sakin. "Alam mo bang tumawag nanaman ang teacher mo?" Ani ko bago bahagyang lingunin si Grim na nakabihis at siguradong pupunta nanaman ito sa nga kabarkada niya. "Grim pinag-aaral kita hindi para magbulakbol sa school, ano bang mahirap intindihin sa kailangan mo mag-aral." Ani ko. Hindi man lang nagbago ang expression o reaction nito na mas kinainis ko. "Bakit hindi ka gumaya sa mga kapatid mo na laging kasama sa top notchers?" Ani ko na kinagusot ng mukha nitong bahagya. "Kung tapos kana papa aalis na ako." Walang buhay na paalam ni Grim at aalis ito nang---. "Hindi ka aalis ng bahay Grim, isang linggo kang grounded." May diin na sambit ko na kinahinto ni Grim nang bubuksan nito ang pinto. "Bumalik kana sa taas at wag kang lalabas." May inis na sambit ko bago tumalikod at mahigpit na hinawakan ang lamesa na pinaglalagyan ng telepono. Nang marinig ko ang yabag ni Grim pataas, pinilit ko ang sarili kong wag siyang sundan at suyuin dahil sa kagustuhan kong matuto siya at matutong sumunod sa iba. "Nakipag basag-ulo nanaman ba si Grim?" Napatingin ako kay Stella ng lumapit ito at niyakap ako sa bewang. "Wala nanamang bago Stella, ganun talaga ang ugali ni Grim." Sagot ko na kinabuga ng hangin ni Stella. "Pero mali ang ginagawa niya." Ani ni Stella. "Alam ko Stella." Ani ko pero hindi ko kaya na nakikitang nasasaktan si Grim dahil sa mga salita ko. Ayoko siyang napagsasabihan dahil hindi na siya bata pero hindi ko din maiwasang isawalang bahala o mag-alala lalo na sa idea na maari siyang mapahamak dahil sa mga ginagawa niya. 3rd Person's POV; "Bud anong nangyari kahapon? Hindi ka dumating sa gig." Bungad ni Elliseo sa kaibigan ng makapasok sa classroom kasunod ang mga kaklaseng halos mabali ang leeg katitingin sa binata. "Grounded ako." Walang ganang sagot ni Grim bago umupo sa upuan at umub-ob. "Lagi ka namang napapaaway at kung kailan ka lumaki tiyaka ka ginarounded." Natatawang sambit ni Jaxon na kinailing ni Keehan na katabi nito. "Sabi sayo iwasan mo na ang basag-ulo." Ani ni Keehan habang nakatingin kay Grim na nakayuko at walang pakialam sakanilang tatlo. Nang araw na yun dahil aa grounded umuwi ng maaga si Grim at ng makita niyang wala ang ama sa living room tumuloy ito sa ikalawang palapag ng bahay nila. "Papa." Tawag ni Grim habang kinakatok ang kwarto. Nang walang sumagot sa kwarto ng ama binuksan yun ng lalaki. "Pa---." Naputol ang sasabihin ng binata nang makita niya si Gaizer na nakahiga sa kama katabi si Stella na tanging puting kumot lang ang nakabalot sa katawan. Napahawak ng mahigpit si Grim sa strap ng bag bago tumalikod at lumabas ng kwarto matapos isara ang pinto. Imbis tumuloy sa kwarto katulad ng nakagawian bumaba ito at nilampasan ang bunsong kapatid na nagtatakang nakatingin sakanya. "Kuya." Tawag ni Sam matapos maalalang ginarounded ito ng ama. Nang makalabas si Grim sa mansyon wala sa sarili itong sumakay sa motor at pinaharurot yun paalis. "Fuck!" Mura ni Apollo na kinatayo nina Keehan at Jaxon nang may bumangga sa gate. "Putangina ka Vergara kung magpapakamatay ka wag naman sana sa nakikita--- anong nangyari sayo?" Ani Jaxon matapos mapatigil ng makita ang pagdidilim ng mukha ni Grim. "Anong problema ni Grim?" Tanong ni Keehan ng lampasan sila ng lalaki at pumasok sa loob na hindi man lang nito inabalang ayusin ang natumbang motor. "Wag kami ang tanungin mo Keehan, sino na ba ang nanalo?" Pokerface na tanong ni Apollo nang magulo ang chessboard dahil sa sabay-sabay nilang pagtayo kanina at nagalaw ang lamesa. "Vergara! Holysh--- Tama na yan!" Pigil ni Elliseo sa kaibigan nang makita niyang nilalaklak nito ang isang bote ng wine na nasa bar counter ng mansyon. "Grim!" Sigaw ni Elliseo bago tinabig ang bote na naging dahilan para mabasag yun sa harapan nila. "Anong nangyari?" Tanong ni Apollo kasunod sina Jaxon ng makarinig sila ng pagkabasag. "Ano bang nangyayari sayo Grim?" Nag-aalala ng tanong ni Keehan habang nakatingin sa binatang may hindi maintindihang expression. "N-Nakita ko s-sila ni Stella sa kwarto." Pabulong na sambit ni Grim habang nakayukom ang kamao at nakayuko. "Ithink normal lang yun sa mag-asa---." "Hindi! Nararamdaman kong ako ang mahal ni Gaizer, Elliseo." Putol ni Grim kay Elliseo. "May asawa si Mr.Marshall at kung anong nakita mo sa kwarto sa tingin ko ... natural lang yun na gawain ng mag-asawa." Ani Jaxon. "Ano bang nakita mo Grim at nagagalit ka?" Inosenteng tanong ni Keehan na naging dahilan para takpan ni Jaxon ang tenga niya. "Bawal yun sa bata." Ani ni Jaxon habang tinatanggal ni Keehan ang mga kamay nito sa tenga niya. "Bud tigilan mo na ang pagpapaniwala mo sa sariling ikaw ang gusto ni Mr.Marshall, alam naman na kasi nating noon pa man dead end na lahat ng bagay sainyong dalawa since kasal na siya." Ani ni Apollo matapos tapikin ang balikat ng binata. "Accept that freaking reality dude, baka nga nasanay ka lang at dahil sa utang na loob kaya ka nagkakagany---." "Hindi ako magkakaganito kung dahil lang sa utang na loob ito Apollo, alam mo yan!" Sigaw ni Grim matapos tabigin ang kamay ng lalaki at nagdidilim na tinitigan si Apollo. "Kung kaya ko lang tanggalin si Gaizer sa sistema ko matagal ko ng ginawa, Apollo." Ani ni Grim makalipas ang ilang minuto kasabay ng unti-unting paglambot ng expression nito ang paglabas ng sakit galing sa mga mata ng binata. "Hindi ako magtitiis ng ganito sa taong kahit kailan hindi naman maibabalik ang nararamdaman ko." Puno ng sakit na sambit ni Grim bago tumalikod at naglakad pataas ng hagdan para pumasok sa sarili nitong kwarto sa mansyon. "Mukhang nasasaktan na nga si Grim." Bulong ni Elliseo ng makita ang expression ng kaibigan kani-kanina lang. "Again, ayoko ng mainlove." Bored na sambit ni Elliseo bago nakapamulsahang naglakad paalis. -- "Ano? Hindi pa umuuwi si Grim?" Ulit ni Gaizer matapos itanong sa mga anak kung nakauwi na ang lalaki. "Umuwi na daddy umalis lang ulit." Sagot ni Sam nang hindi tinitingnan ang ama. "Wierd nga lang dahil galing siya sa room niyo ni mommy." Dagdag pa ng babae na kinatigil ng lalaki. "Dito lang kayo pupuntahan ko si Grim." Ani ng lalaki bago kinuha ang susi sa lamesa at jacket. Lalabas ito ng mansyon nang tawagin siya ng asawa. "Hon? Saan ka pupunta?" Tanong ni Stella na kinatingin ng lalaki. "Susunduin ko si Grim sa bahay ng mga barkada niya." Sagot ni Gaizer at lalabas ito nang---. "Iiwan mo kami dito Gaizer, gabing-gabi na hayaan mo na si Grim malaki na ang anak mong yun." "Stella may mga gwardya sa labas at hindi ko pwede pabayaan si Grim, aalis na ako uuwi kami aga---." "Gaizer kailangan ka namin ni baby, pag lumabas ka hindi ko maiiwasang mag-aalala." Putol ni Stella na naging dahilan para mapahawak ng mahigpit si Gaizer sa door knob at unti-unti yung binatawan. "Tawagan mo na lang yung barkada ni Grim at pauwiin mo siya mag-isa." Malambing na sambit ni Stella habang hawak ang kupas pang sinapupunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD