Alexiz's POV "Lex, sa pagkakaalam ko kinakain ang pagkain ... anong ginagawa mo sa pagkain mo?" Sita sa akin ni Lia. Napabuntong-hininga ako at binitawan ang tinidor na hawak ko. Tumingin ako sa kanilang dalawa. "Malapit ng mag-isang buwan si Francis sa Sicily at wala man lang text o tawag." Nangalumbaba ako. "Baka maraming ginagawa ..." Sabi ni Lia. "Ewan ko." "Tinawagan mo na ba?" "Oo. Always error in connection." Sagot ko. Nagkatinginan ang dalawa. "Uh-oh." "Sabi ko naman kasi sa 'yo, Lex. Nangibang bahay na 'yang asawa mo." Sabi ni Marion. Sinimangutan ko ito at tinignan ng masama. Binatukan naman ito ni Lia. Buti nga sa 'yo. Hmp! "Tumahimik ka nga, Marion." "What? I'm just saying. Malay mo totoo." Depensa ni Marion. Inirapan ito ni Lia. "Walang kwenta 'yang mga sinasabi