Kabanata 14 Nagtago si Lacey ng ngiti nang tumayo ang Papa niya sa tabi ni Haze. Nakapameywang ang may edad na lalaki at nakatingin sa sasakyan na tinitingnan ng mayabang na binata. “Kursunada ko rin ito. Magkano ito?” mayabang na tanong ni Juanito sa sales representative na kausap ni Haze. Natigilan ang babaeng agent sa pagsasalita at napatingin sa ama niya. Si Haze man ay ganun din. “Excuse me,” anang lalaki sa Papa niya. Todo ngisi si Juanito, “Gusto ko rin ito. Kung anong bibilhin mong sasakyan ay gusto ko. Alam kong magaling ang taste mo sa ganito.” Dinilaan nito ang labi tapos ay sumulyap sa kanya. Bigla naman siyang napaismid. “You want me to choose a car for you?” Himalang tanong ni Haze pero hindi iyon gusto ni Lacey. “Ikaw dapat nandun ka sa funeraria dahil yun