DANAYA Dumating si Mommy, kasama si Daddy, pati na rin ang yaya ng anak ko na si Nurse Myra. May dala rin silang pagkain dahil nagluto ang aking ina, kaya dinala ko na lang ito sa ibabaw ng mesa dahil katatapos ko lang mag-almusal. Bumalik ako sa sala at nadatnan kong kalong ng asawa ko ang anak namin at nasa ibabaw si baby ng kanyang mga hita. Tuwang-tuwa naman ang anak namin at panay ang bungisngis habang kalaro ang kanyang ama. “Kailan ninyo pabibinyagan ang apo namin para naman magkaroon na siya ng pangalan?” tanong ni Mommy sa amin ni JC. “Kapag nakalabas na po dito sa ospital si JC, Mom.” Ako na ang sumagot dahil abala ang aking asawa sa paglalaro sa anak namin. Kahit hindi niya sabihin, kitang-kita ko na talagang na-miss nga niya ang aming anak, kaya hindi ko napigilan si JC ka

