JC “Stop being impulsive, guys. Paano natin mahahanap si Danaya kung palagi ninyong inuuna ang init ng ulo?” tanong ni Sofia sa kaniyang mga pinsan. Muntik kasi akong sapakin ni Arvin, pero nahawakan agad siya sa braso ni Sabrina, kaya hindi niya ako naabot. “Yuck, huwag mo nga akong yakapin, Arvin!” Lahat kami ay napatingin kay Sabrina. Nagpapadyak ang kanyang mga paa at nagmamaktol sa tabi ni Arvin. “Kung hindi kita hinawakan, baka bumagsak ka na sa sahig ngayon,” sagot naman ni Arvin at inalis ang nakapulupot na braso niya sa bewang ni Sabrina. “Ew! Amoy kabayo,” maarteng reklamo ni Sabrina. “Kailan ka ba huling naligo?” “Sino?” salubong ang kilay na tanong ni Arvin sa kanya. “Sino pa ba ang katabi ko kundi ikaw?” Nagulat ang lahat nang sunggaban ni Arvin si Sabrina at basta na