DANAYA “Misis Laxamana, gising na po ang pasyente,” nakangiting sabi ng nurse nang lumapit sa akin dito sa waiting area. Bigla akong napatayo. Awang ang aking mga labi habang nakatingin sa nurse na kaharap ko. Sandali lang akong umalis matapos kong makausap sina Daddy kanina para gumamit ng banyo dahil naiihi na ako, pero pagbalik ko, magandang balita ang natanggap ko. “Kumusta ang asawa ko?” tanong ko, na may malakas na kabog ng dibdib. Ngumiti ang nurse at sinabing mabuti raw ang lagay ni JC. “Nang magising po siya, hinanap ka niya agad,” nakangiting sabi sa akin ng nurse. Nakahinga ako ng maluwag dahil ibig sabihin lamang nito ay hindi nauwi sa pagka-coma ang asawa ko. Ang sabi kasi sa akin ni Ate Sofie, kapag hindi nagising si JC sa loob ng forty-eight hours, ay mapanganib ito sa

