Chapter 125

2104 Words

DANAYA Nang nakatulog na si JC, dahan-dahan akong umalis sa tabi niya at bumalik sa sala. Wala na rin ang nurse, at tanging ang aking pinsan at dalawang sister-in-law ang naiwan dito, kasama ang aking anak at si Nurse Myra sa kabilang silid. “Mabuti naman at pinalabas ka pa ni JC, Danaya,” sabi ni Trixie sa akin nang makita niya akong lumabas sa silid na tinutuluyan ng aking asawa. Hindi ko gusto ang nakikita kong mapanuksong ngiti sa labi ng babaeng ito, dahil alam kong may kung anong naglalaro sa kanyang isipan. “Hinintay ko munang makatulog si JC bago ako lumabas,” sagot ko. “Ang arte niya, ha. Daig pa itong anak n'yo,” sabi ni Jamilla. Nasa kandungan niya ngayon ang anak ko. Si Drake naman ay tahimik na nakaupo sa tabi niya, hawak ang cellphone at mukhang may ka-text. “Lalabas m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD