DANAYA Sinalubong agad ako ni JC nang makita niyang bumukas ang pintuan at pumasok ako. Ramdam ko na labis siyang nag-alala matapos malaman kung anong nangyari sa akin sa supermarket. Napakabilis ng tîbok ng kanyang puso habang yakap ako at nakakulong ako sa kanyang mga braso. “Nasaktan ka ba, baby?” tanong sa akin ng asawa ko. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at tiningnan ang aking mukha. Nakita ko ang pagdilim ng aura ni JC nang makita niya ang sugat sa aking labi, pati na rin ang pumutok na kilay ko dahil sa laban namin ng sekretarya niya. “Please sit down.” Hinawakan ako sa braso ng asawa ko at iginiya akong umupo sa sofa. Agad niya akong binigyan ng tubig at pinainom ito sa akin. Ang mga bodyguards ko naman ay dinala ang aming mga p

