DANAYA “Who are you?” matigas ang tinig at kuyom ang kamao na tanong ko sa babaeng kaharap ko. “I'm your mother, dear,” nakangiting sagot niya, pero alam kong panganib ang hatid sa akin ng ngiting nakikita ko. Tinitigan ko siya sa mga mata, pero malinaw na nakikita kong hindi siya ang aking ina. Kahit magkamukha sila at iisa ang style ng kanilang pananamit, at buhok, pero alam ko sa sarili ko na magkaiba sila ni Mommy. Nakapagtataka na magkamukha silang dalawa ni Mommy dahil wala naman akong alam na kakambal ng aking ina. Isa pa, halos kasing edad lang namin ang bunsong kapatid ng aking ina, at hanggang ngayon ay wala pa siyang asawa. Sigurado rin akong hindi siya kamukha ni Mommy dahil mixed Russian at Filipino ang aking ina, habang ang kapatid naman niya ay mixed Filipino at Canadi

