DANAYA Kinuha ko ang latigo sa kamay ng aking ama. Biglang nawala ang panghihinang naramdaman ko kanina nang makita ko si Diane, pati na rin si Doktor Bragais na nakatali, at sila naman ang bihag namin ngayon. Baliktad na ang sitwasyon. Sila naman ang walang magawa para ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Maraming pasa sa katawan at mukha si Diane. Hindi na ito ang unang pagkakataon na haharap siya sa ganitong sitwasyon. “Anong gagawin mo, Danaya? Sasaktan mo rin ba ako, katulad ng ginawa ng tatay mo, para pigain akong sagutin ang mga tanong mo?” naka-ngising tanong sa akin ni Diane. Hindi ako sumagot. Sumulyap ako sa kanya at pagkatapos, nanliliit ang mga matang tiningnan ko si Doktor Bragais. Walang kahit anong salita ang lumabas sa labi ko nang magkasunod ko silang hinampas ng lat

