DANAYA Ilang ulit na akong nag-doorbell, pero hanggang ngayon ay hindi pa binubuksan ni Aidan ang pintuan. Tinawagan ko rin ang cellphone niya, pero hindi sinasagot ng pasaway na pinsan ko, kaya nag-init ang aking ulo. “Baka naliligo pa, baby,” sabi ni JC. Ilang ulit ko kasing pinindot ang doorbell at gigil na idiniin ko para marinig niya. “Humanda talaga sa akin mamaya ang lalaking iyon, kapag nalaman kong wala siya diyan sa loob at pinaghintay tayo dito sa labas,” inis na sagot ko. Inis na inis ako habang nakatingin sa pintuan nang bumukas ito. Nanliit ang aking mga mata nang makita ko ang pinsan kong nakatayo sa harap ko at para bang tumakbo siya ng mabilis para pagbuksan kami dahil nakita ko pa ang butil ng pawis sa kanyang noo. “What took you so long?” salubong ang mga kilay na

