JC “Gagaling pa ba ang anak ko, doktor?” tanong ni Ninang Aubrey kay Doktor Bragais. Lumapit si Mommy kay Danaya at tinanong niya ang kinakapatid ko, pero nakita kong pumikit lang ito at marahang umiling. Kinausap kami ni Doktor Bragais at sinabi niyang hayaan munang magpahinga si Danaya, dahil kailangan ito ng kanyang katawan. Simula nang magising si Danaya, hindi na natulog sina Mommy at Ninang Aubrey. Kasama ko silang nagbabantay, pero iniiwasan nilang mag-usap tungkol sa nangyari sa anak ko, dahil hindi pa raw totally stable ang kondisyon ng kinakapatid ko. “Anak, kahapon ka pa hindi kumakain. Nagpaluto ako ng pagkain kay Linda. Maligo ka muna at kami na ni Aubrey ang bahala kay Danaya,” sabi sa akin ni Mommy. Past five o'clock na, pero wala pa rin akong tulog at hindi ko man lan