JC “Naku, sir, pasensya na po, pero hindi ko po matatanggap ang ganyang halaga,” mabilis na sagot ng lalaking kaharap ko. “Why not?" kunot ang noo na tanong ko sa kanya. "Is one hundred thousand not enough for you?" Hindi sumagot ang kausap ko, kaya desperate na nag-offer ulit ako sa kanya. "Then, name your price." Napakamot naman ito sa ulo habang nakangiti at mukhang nag-iisip. “Pwede pong Tagalog na lang tayo, sir? Hindi po kasi ako marunong ng English.” Tumango ako. I forgot na nasa bundok nga pala ako at posibleng hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang ilan sa mga taong narito kaya mas mabuting kausapin ko sila sa wikang Tagalog. “Marami akong gustong malaman tungkol kay Danaya at kay Romeo Romero,” walang paligoy-ligoy na paliwanag ko. “Kung handa kang makipagtulungan sa akin, L