Chapter 26 Ace Lawrenz's POV; "Daddy!"tili ni Terry ng biglang sumulpot si Erica at hablutin si Terry na hawak ko lang kanina. "Erica bitaw--." "Ano bang ginagawa mo Titus dont tell me papakawalan mo ang batang ito?"tanong ni Erica na kinatigil ko. "Walang kinalaman dito ang bata wag niyo siyang idamay dito ni Daddy kung gusto niyo ako na ang kikilos para dalhin dito ang isa sa mga kamb--." "Siguradong magagalit si Daddy Titus kaya akin na ang batang ito."mataray na ani ni Erica bago hilahin si Terry na kinayukom ng kamao ko lalo na ng makitang umiiyak ang bata. "Erica!"sigaw ko bago mabibigat ang mga paang nilapitan si Terry at hinila palapit sakin. "Hindi mo pwedeng galawin ang batang ito."ani ko bago buhatin si Terry na kinadilim ng anyo ni Erica. "Bumalik na ba ang alaala mo J