Chapter 20 Ace Lawrenz's POV; Pagbukas na pagbukas ng butas mabilis kong sinipa ang kalabang bumungad. "Hindi maganda ang kutob ko dito."ani ni Damon ng makita ang makitid na daanan. "Hindi nga."pagsangayon ko ng makita kong isa isang lumabas ang kalaban mula sa dulo. "Ang lakas naman ng loob niyong pumasok dito."nakangising sambit ni Renji na kinakunot ng noo ko. Panong--. "Hindi maari."bulong ko ng lumabas din si Erica ibig sabihin ang formula--. "Mukha yatang gulat na gulat kayo."nakangising sambit ni Renjie habang may hawak na kung ano. "Masyado na kayong abala nakakairita na."sambit ni Renji habang nakangising winagayway ang remote control. Natrap kami tangna mura ko ng makita kong nagsara ang butas sa taas. "Sisimulan na ba natin ang palabas?"nakangising tanong ni Renji.