bc

Worthless

book_age18+
18.3K
FOLLOW
105.0K
READ
dark
sex
kidnap
forced
second chance
pregnant
dominant
CEO
drama
tragedy
like
intro-logo
Blurb

Alexander Fajardo is Celine's first love. Kaya naman nang ginawa siyang pambayad utang ng kaniyang tiyuhin sa lalaki ay may parte pa rin sa puso niyang natuwa. Lalo nang pakasalan siya ni Alexander at unti-unti silang nagsama bilang mag-asawa.

Ngunit ang sakit at dilim ng kahapon ang muling maglalayo sa kanila. Does forgiveness still has a place in her heart? Is loving him still worth it after all the pain and tears she shed? After he made her feel worthless...

chap-preview
Free preview
Excerpt
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental. All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author. ________________________________________________________________________________________________________ Nanginginig akong nangapa sa puting kumot. Hindi napigilan ang bumuhos na mga luha. Natatakot ako. Sobra. Narinig ko ang tunog ng pagkaka-lock ng pinto. Halos isiksik ko ang sarili sa headboard ng kama. Naghari ang pinaghalong kaba at takot sa akin nang magsimula siyang kalasin ang pagkakabutones ng kanyang suot. "T-Tama na..." daing ko. Ngunit isang malademonyong ngisi lamang ang iginawad niya sa akin. Ngayon ay ang kanyang sinturon naman ang kinakalas niya. Isang hiyaw ang kumawala mula sa nanginginig kong mga labi nang walang kahirap hirap niyang hinila ang mga binti ko. Mabilis na dumagan sa akin ang kanyang bigat. Rumagasa ang luha sa aking magkabilang pisngi. Iginapos niya ang mga kamay ko sa aking ulunan habang ang mga labi niya'y nasa aking leeg. Ang bawat haplos niya't halik ay marahas na halos pamamanhid na lamang ang nanaig sa akin... Sa kabila ng pananakit at pamamanhid ng aking katawan ay maaga akong bumangon kinabukasan, gaya ng nakasanayan. Napangiwi ako sa naramdaman sa gitna ng mga hita at piniling maupo saglit sa gilid ng kama. Nilingon ko ang natutulog na si Alexander sa aking tabi. Kahit na nakapikit ang mga mata ay nanatili ang pagiging seryoso ng mukha nito. Nakadapa ito sa kama at nakaharap sa akin ang guwapong mukha. Umangat ang isa kong kamay sa pagnanais sanang haplusin ang kanyang pisngi. Napailing ako't binawi ang kamay. Malungkot na lamang na napangiti. Bumaba ako't nagsimula sa paggalaw sa kusina. Ipinagluto ko siya ng kanyang breakfast pagkatapos ay muling inakyat ang aming kuwarto. Ang tunog ng shower mula sa bathroom ang bumungad sa akin. Tinungo ko ang pinto niyon at kumatok. "Alexander," tawag ko sa kanya mula sa labas. "handa na 'yong breakfast mo." Wala akong natanggap na sagot. Sinimulan ko na lamang ang paglilinis at pag-aayos sa silid. Sa kalagitnaan ng pagliligpit ay narinig kong tumunog ang kanyang cellphone na siyang nakapatong sa bedside table. Nilingon ko ang pinto ng bathroom ngunit tumigil din naman ang pagtunog nito. Hindi na ako nangahas na galawin iyon. "Alexander..." tawag kong marahil ay hindi niya narinig nang muling tumunog ang kanyang cellphone. May pag-aalinlangan ko itong kinuha kasabay ng pagbubukas ng pinto ng bathroom. Halos matigil ako sa paghinga nang masalubong ang matapang niyang mga mata. Mabilis ang bawat malalaki niyang hakbang at marahas na hinablot mula sa kamay ko ang telepono. "I-Ibibigay ko sana sa 'yo," mabilis kong paliwanag. Matalim parin ang tingin niya sa akin bago ibinaling ang atensyon sa screen ng kanyang cellphone.. Tinalikuran niya ako sabay lagay ng cellphone sa kanyang taynga. "Yes babe," Ang marinig ang lambing sa pakikipag-usap niya sa kung sinumang tumawag ay nakapagpasakit sa aking puso. Kung sino man iyan ay paniguradong isa na naman sa mga babae niya. Kabit. Iyon ang maitatawag ko sa kanila sapagkat ako ang asawa. Kasal kami. Ngunit sa kabila ng pinanghahawakang iyon ay ang kaalamang wala din naman akong halaga sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
89.5K
bc

Angel's Evil Husband

read
268.7K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.7K
bc

Unwanted

read
530.8K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
566.6K
bc

THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR

read
750.7K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook